Gintong Butil (I)

PAGSALUHAN NATIN ang text message ng isang kaibigan: “Growing old is like climbing a mountain/ higher you get, the more tired and breathless you become/ but your view becomes much more extensive/ as we grow older we lose the drive in trying to be perfect/ we realize it is more important to be human and happy than to be perfect.”

Sa loob na 40 taon, takbo, dapa, bangon at takbo sa pakikibaka sa masalimuot na buhay. Salapi, kapangyarihan at karangalan ang hinahabol, minimithi. Nakamit ko bang lahat ang mga ito?

Sa pakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao, mabagsik, mapanuri at tuso ako. Ka-limitan, walang pasensiya at walang mapagpatawad at maunawaing puso. Ang mahalaga ay sa lahat ng bagay, ako ang panalo. Kasabihan ay namumukadkad din sa aking pagkatao. Akin, akin lang dapat ang lahat. Ayaw kong tumanggap ng pagkatalo. Saan ako dinala ng mga ugaling ito?

Dadaan sa butas ng karayom bago kita mapatawad. At taal sa pag-iisip ko na ‘di ako humingi ng kapatawaran. Ako’y naging mapaghiganti.

Napasadlak ako sa kailaliman ng kamunduhan sa paghahanap ng malilim na kaligayahan. Nakamit ko ba ito?

Sa takipsilim ng pagtanda, unti-unting nabasag ang dating mundo ko. Para bang nakaakyat ako sa isang pinakamataas na bundok at sa tuktok nito, nag-iba at lumapad ang pananaw ko. Ang walang kahalagahan ng lahat na pinaghahanap at iniidolo ko. Sa gitna ng samyo ng kakaibang manipis na hangin, biglang naisip na mga paghahanap na ito para lang sa sariling kapakanan o kaligayahan ay walang kabuluhan. Kababaan ng loob ay gintong asal; at pagpapatawad pinakadakilang gawain.

Ito ang mga gintong butil ng pagtanda, ang pinakahigit na karunungan na ‘di mapapantayan ng ano mang pagsasaliksik o pag-aaral.

SAMUT-SAMOT

 

ANG PAGPAPATALSIK KAY dating DILG USec Rico Puno ay pagka-sensitibo ni Pangulong P-Noy sa public opinion. Mabuting senyales ito. Kung kabaligtaran ang kanyang ginawa, maaaring magulo ang kanyang pamamahala. Sa simula’t simula pa, sakit na ng ulo si Puno. Ngunit dahil matalik siyang kaibigan ng Pangulo, ‘di siya matibag sa puwesto.

NU’NG NAKARAANG linggo, inulat ng SWS survey na si VP Jojo Binay ang naka-kamit ng pinakamataas na satisfaction rating sa mga top official ng gobyerno. Agad-agad ko siyang tinext. At agad-agad siyang sumagot sa aking pagbati. Ganyang uri ng lingkod-bayan si Jojo. Lapat ang paa sa lupa at may likas na kababaang-loob. Ugali na ‘di ko masasabi sa ibang mataas na opisyales na kilala ko. Sa kanila, parang walang katapusan ang kapangyarihan.

MAYBAHAY NG dati kong kasama sa Unilab, Romy Santos, ay pinaslang ng isang karpintero sa loob ng bahay nila sa Marikina dalawang linggo ang nakaraan matapos pagnakawan. Ang karpintero ay nagkukum-puni ng kanilang kuwarto. Nangyari ang pamamaslang 9:00 A.M. nang nag-iisa ang maybahay ni Romy. Ang leksyon ay ‘wag masyadong magtiwala sa mga trabahador na pinagtatrabaho sa bahay. Limang taon nakaraan, maybahay rin ng isang kaibigan kong doktor, Dr. Vicente Uy, ang pinaslang sa bahay sa Greenhills matapos pagnakawan. Ang salarin ay kanilang bagong family driver buhat sa Samar.

‘DI KO malaman kung bakit ako’y laging ali-pin ng balisa at agam-agam. Normal daw ito sa pagtanda. Kaya kailangang laging busy ang ating isip sa kaya pang gawain o kaya ay sa relaxation. ‘Yong ibang physical discomforts ay wala nang kagamutan. Kagaya ng rayuman, arthritis, balisawsaw o pagsakit ng tiyan. Kung sa kotse, sira na ang ibang spare parts na kailangang palitan. Ito ang kalbaryo ng pagtanda na dapat tanggapin at pagtiisan.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleInakalang Recruiter
Next articlePagsasaayos ng Entry sa Birth Certificate

No posts to display