DAHIL USO ang mga pelikulang historical tulad ng Heneral Luna na bida si John Arcilla at Goyo na bida naman si Paulo Avelino, this time ay ang girlfriend ng National Hero natin na si Jose Rizal na si Josephine Bracken ang nakatakdang isapelikula ni Cong. Bullet Jalosjos ng Zamboanga del Norte.
Hindi bago sa kongresista ang pagpo-produce ng pelikula.
Sa katunayan, sa pakikipagtulungan niya kina Boy 2 Quizon at Neil Arce ay nakapag-produced sila ng pelikula at nakipag-arrange sa Viva Films para maipalabas ang “Coming Soon” na unang movie na produced ng kongresista.
With his new project ay muling magiging busy si Cong. Bullet after the May 2019 election. Gusto kasi niya maging hand-on this time. “Unahin ko muna ang mga constituents ko lalo na sa mga needs nila,” kuwento niya nang humarap siya sa ilang piling media.
Pagkukuwento ni Cong. Bullet about his project: “I’m going to do a movie of Josephine Bracken, asawa ni Jose Rizal at taga-Dapitan sila at doon sila na-in love, they got married. Ang daming kuwento sa kanila na pinaguusapan, lalo na sa mga schools.
“In school we talked about Jose Rizal, Josephine Bracken. But we never really talked about in details kung sino talaga sila,” kuwentop niya over lunch.
Ayon sa kuwento based on Cong. Bullet’s research: “It’s a very colorful story at may mga tsismis and that has been confirmed by no less then Direk Lino Cayetano na naging partner ko rin noong gumagawa kami ng mga short films.
“Sa kuwento, parang si Josephine joined the revolution. Lumaban siya kay (Andres) Bonifacio. Very, very interesting and she ended up marrying someone from Cebu. And she ended up going back to her homeland in Hongkong, China. And died alone without ano…so very tragic and very colorful,” pagkukuwento niya with gusto.
Interesado siya na kunin si Andi Eigenmann to portray the lead role of Josephine Bracken na bagay sa feature niya na Caucasian ang look.
Dagdag ni Cong. Bullet who is running for a set as Governor of Zam del Norte: “Hindi puwedeng Pinoy. Si Josephine kasi, half Chinese, half Irish. Siguro puwede si Andi Eigenmann, pero kamukha niya kasi. I’m not sure kung okey siya. Pero on the top of my head, siya ang naiisip ko. Wala pang director, aayusin pa,” kuwento niya about his film project.
Sa panimula ng kanyang film project: “I spoke to MVP (Pangilinan) before. He was actually interested in the film. Gagawin niya sanang teleserye eh. It’s either we do this or not at all kasi malalim ito sa amin eh. Maraming controversies eh. May buhay pang kamag-anak si Bracken na naninirahan sa Cebu kaya ang gusto niyang gawin ay, “So I would like to begin the story na may narrator sa umpisa ng movie then at the end you’ll find na she’s the great great grand daughter niya pala ‘yung narrator.”
Sa ngayon, habang binubuo pa ang kanyang Josephine Bracken film project ay inuna muna ni Cong. Bullet ang isang horror movie na “Yaya”.
Sabi niya: “It’s a movie that give commends to all yaya’s kasi parang wala pang movie na nagbibigay-pugay sa mga yaya eh. The emotional investment na ibinibigay ng yaya sa alaga nila na hindi nila kamag-anak eh grabe pa, considering na maraming yaya na hindi nag-aasawa, iniiwan sila ng pamilya nila, kasi masyado silang busy. Minsan ‘pag lumaki na ‘yung alaga nila nagiging yaya na sila ng anak ng inaalagaan pa nila noon.”
Goodluck Congressman…este Gov. Bullet in your endeavors.
Reyted K
By RK Villacorta