FINALLY AY nahawakan na ni Giselle Sanchez ang kanyang kauna-unahang best actress trophy na napanalunan niya sa World Premiere Film Festival 2015 sa Filipino New Cinema section para sa indie movie na Felimon Mamon. Wala si Giselle sa awards night kaya hindi niya natanggap iyon. Ang kanyang producer ang personal na nag-abot sa kanya nu’n.
“Hindi ko talaga ini-expect ‘yng award na ‘yun. Hindi ako nakadalo sa awards night kasi ‘yung daughter ko ay naglambing sa akin. Ako naman since kakarating ko lang from abroad at nag-show ako para sa TFC, nag-guilty ako nu’ng naglambing ang mga anak ko sa akin. Nasa bahay lang ako that night at nagtu-tutor ako sa mga anak ko. ‘Yung husband ko ang unang nakaalam since nasa computer siya at nakita nga niya.
“So ako naman, I was like… really? Tapos sumigaw na ako nang bonggang-bongga. Then my daughter told me, “Mom, you could have go there pero pinili mo akong makasama”. So, in tears, nagyakapan kami.”
“Ako naman, hindi talaga ako nag-expect. Imagine, na-stucked na ako from being a comedianne tapos hosting-hosting ng mga corporate shows. So, lumayo na ‘yung pangarap ko rin naman na manalo ng best actress award. So, i was soooo happy na nanalo nga ako sa movie namin na “Felimon Mamon”. Grabe! Ang saya! May acting award na ako! Hahahahaha!” Mahabang tsika pa sa amin ni Giselle nang makapanayam namin siya.
Ganu’n pa rin ang drama niya kahit na may acting award na siya, magpapatawa at magpapasaya pa rin siya. Pero okey pa rin syang gumawa ng indie film at sana raw ay mabigyan siyang muli ng makabuluhang role.
RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer