BLIND ITEM: Nahaharap umano sa isang malaking pananagutan ang isang kilalang TV/film director makaraang lumipat sa kabilang istasyon. Before he bolted the gates of his former mother network, isang proyekto of epic proportions ang ipinagkatiwala sa kanya.
But even before this huge TV project was scheduled to fold up, naisakatuparan na ni direk ang kanyang (premediated?) transfer. In his newfound home, kasama niyang binitbit like luggage ang nakatrabahong executive producer. Both are now being pursued by their former home on the charges of “padding of figures” causing a bloated production cost.
On top of this, hindi pa raw nag-e-expire ang kontrata ni direk ay lumipat na ito so aside from breach of contract ay hinahabol din siya sa usapin ng pananalapi.
MAC-alusot kaya si direk sa problemang ito? Maitanong nga sa mga ALE diyan sa tindaHAN, ‘DRE!
HINDI SA pagkakahatid sa kanyang huling hantungan nagtatapos ang iniwang alaala ni Ginoong Roberto “Boy” Guevarra, ama ng komedyanang si Gladys. Mang Boy perished in a motorcycle accident last January 15, ang ikinabagok ng kanyang ulo matapos sumemplang ang kanyang sasakyan led to a fatal heart attack.
Gladys was in Cebu for the Sinulog Festival when she received a call from her Manila-based brother. Agad nitong pinatawagan ang kanyang kuya na nasa Batangas naman. Kung hindi kami nagkakamali, it was Gladys who oversaw her father’s wake until his remains were finally laid to rest in Bulacan last January 22, Sunday.
What can make for a teleserye in real life does not end there.
Balitang nagkakaroon ng tensiyon sa pagitan ng orihinal na pamilya (and this includes Gladys and her two brothers; the comedienne is the youngest) at ng kinakasama ng ama (Mang Boy had a second family, the matriarch of which ay susunduin nito sa trabaho sa pier sa Maynila on the night of the incident).
“Tita” ang tawag ni Gladys sa kanyang madrasta, and if only for this respectful form of address, one can surmise na wala sa panig ng komedyana ang ugat ng umano’y ‘di-pagkakaunawaan nila with Mang Boy’s second family.
For her part, Gladys was honest enough to admit na may mga pagkukulang siya sa kanyang ama. Kawalan ng panahon in favour of work ang sinisisi ni Gladys as her “un-daughterly” act kahit sabihin pang pitong gulang lang siya noong maghiwalay ang kanyang mga magulang.
Samantala, hindi malinaw kung bukod sa naipagkait na oras ni Gladys sa noo’y nabubuhay pang ama ay kabilang din ang kakapusan ng pinansiyal na suporta niya rito. Sa motorsiklo nasawi si Mang Boy, hindi man lang ba ito nabili ni Gladys ng kotse mula sa kanyang malaking kinikita?
TUNGHAYAN NGAYONG Biyernes ang kuwento sa Face To Face na pinamagatang “Nahipnotismo Ako Nu’Ng Nangutang Ka… Ngayong Wala Na Ang Mahika, Magbayad Ka!” Resbak ito ni Maria kay Geraldine na sinuba siya ng inutang na limang libong piso.
Aminadong nagpanggap lang bilang manggagamot/manghuhula si Geraldine para makasilo ng kliyente. Iniwan daw siya ng kanyang asawa dahil sa pagkagumon sa bisyo. Hay, another tacky, “spellbinding” story makes for an exciting Friday treat!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III