ISANG MALAKING karangalan daw para sa mahusay na kontrabida na si Gladys Reyes ang masampal ng nag-iisang Superstar sa kanilang Teleseryeng pagsasamahan sa GMA 7 ang Little Mommy.
Tsika nga ni Gladys nang makausap namin sa 30th anniversary celebration ng MTRCB na ginanap sa Luxent Hotel last October 5, “Naku isang malaking karangalan sa akin ang masampal ang nag iisang Superstar na si Nora Aunor. ‘Yung makasama nga lang siya, dream come true na sa akin, what more if masasampal ko pa siya.
“Pero hindi natin alam. Kasi malay mo, siya pala ang sasampal sa akin. If mangyayari ‘yun, ibibigay ko pa ‘yung kabilang pisngi ko. It’s an honor for me na masampal ng nag-iisang Superstar.
“Biruin mo hindi sa pelikula ko siya makasasama kung hindi sa soap. Kaya matagal-tagal kaming magsasama. Pero gusto ko rin siyang makasama sa movie.
“Thankful talaga ako sa GMA for giving me good projects like Little Mommy. Kasi paramg reunion na rin namin ito ng mga nakasama ko sa Bahay Mo Bato like Kempee de Leon and Sunshine Dizon. Bukod pa sa makasasama ko ang mahuhusay na veteran actors na sina Mr. Eddie Garcia, Bembol Roco, at Ms. Nora Aunor,” panghuling sabi pa ni Gladys.
SAMANTALA, NAGING matagumpay ang 30th anniversary celebration ng The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), kung saan kasabay nito ang launching ng commemorative book na “Empowering The Filipino Family” sa pangunguna ng masipag at mabait na MTRCB Chairman Atty. Eugenio “Toto” Villareal.
Laman ng nasabing libro ang history ng MTRCB at ang tungkol sa modernization projects ng MTRCB, updates sa iba’t ibang initiatives ng ahensiya, boses ng ibang mga empleyado, ang present Board Members, at maging ang
kasalukuyang chairman na si Atty. Villareal.
Pahayag nga ni Chair Toto, “The present board has been consistent with its mandate to promote and protect the Filipino family, especially the youth, women, and other vulnerable sectors of society, to evaluate and intelligently choose media content.”
Dagdag pa nito, “The board will continue to create and implement innovative initiatives that will promote a value-oriented media and entertainement culture.”
At sa November 14, isasagawa ng MTRCB ang 3rd Family Summit na pinamagatang “Matalinong Panonood Para Sa Kabataan” na gaganapin sa St. Mary’s College sa Quezon City.
Julie Anne San Jose, dinumog sa palengke tour
MATAGUMPAY ANG naging launching ng YSA Botanica Kojic Acid na ginanap last September 26 sa Pasig Mega Market kasama ang YSA Botanica endorser na si Kapuso teen actress Julie Anne San Jose na dinumog at pinagkaguluhan sa nasabing event.
Ayon nga kay Ms. Hazel Naval ng YSA, ” YSA Botanica Kojic Acid has a new look, improved whitening power from papaya and its main ingredient Kojic Acid plus a fresh new scent!”
Kaya naman abangan ang YSA Botanica Kojic Acid’s upcoming events. At para sa ibang impormasyon, bumisita lang at mag-follow sa YSA Botanica 2 in 1 Papaya and Kojic Acid’s Facebook page at @ysabotanica on Instagram.
John’s Point
by John Fontanilla