NAKATUTUWA SI Gladys Reyes. No dull moment talaga ‘pag nagsimula na siyang magsalita. Hangga’t hindi mo pinipigilan ay hindi rin siya hihinto. Eh, kasi naman, mayaman ang utak ng lola n’yo. Anything under the sun, kaya niyang makipag-usap.
Kaya look, hindi natin namamalayan, 25th season na pala ng Moments na napapanood sa commercial TV network ng INC, ang Net25.
Aminado si Gladys Reyes na napakalaking tulong talaga ng kanilang relihiyong Iglesia ni Cristo sa pag-iimbita ng mga guest.
Lahat halos ng sikat na personalidad, nai-guest na niya sa kanyang programang may replay sa gabi at sa madaling-araw. At ang nakatutuwa pa, napakasigasig din nila ng kanyang kapatid na si Janice Villa na magtatawag ng sponsors para suportahan ang kanilang co-production venture.
Kaya hindi lang TV host si Gladys, producer pa. At ‘yung pambabraso niya ng sponsors ay “namana” raw niya sa kanyang manager na si Ate Lolit. Kaya sa nakaraan niyang pa-presscon para sa piling kaibigan ay andaming bitbit ng movie press pauwi.
Sabi ni Gladys, in fairness, hindi siya nahirapang mag-convince sa mga personalities na iimbitahan, “Dahil ako na mismo ang nagta-talent coordinator. Ako na ang tumatawag para me personal touch at hindi na agad sila makatanggi, hahahaha!”
At ang nakatutuwa sa mga guest, “Hindi sila ‘yung tipong magtatanong ng magkano ang TF ng guesting. Kaya so far, wala akong nagiging problema sa mga guest.”
Wala ba siyang natatandaang sumakit ang ulo niya o binitin siya ng isang artista sa guesting nito sa Moments.
Nangiti muna si Gladys, sabay pasakalye na nagkaproblema sila noon kay Ms. Nora Aunor kaya hindi natuloy ang taping. “Pero ang nakatutuwa ke Ate Guy, nakarating sa akin na pinatatanong niya sa manager niyang si Kuya Boy Palma kung meron pa bang ‘Moments’ at pakitawagan daw, dahil gusto niyang bumawi.
“So in fairness ke Ate Guy, she went out of her way naman para bumawi. Kaya natuloy na kami.”
Oh My G!
by Ogie Diaz