KALOKA ANG kaganapan last week. Na-hold si Chris Brown at hindi pinaalis patungong Hong Kong pakatapos ng show niya sa MOA Areana, sa kadahilanan na ewan ko kung nag-eengot-engotan lang ang R&B Superstar sa isyung hindi niya pagbabalik sa pera (in US Dollars) na ibinayad sa kanya nang hindi ito nakarating sa December 2014 concert niya sa bansa dahil nawawala ang passport niya.
Hindi ko na nasundan ang kuwento tungkol sa nagmamaangan-maangan na si Chris Brown, na pera ang dahilan kung bakit humingi ng saklolo ang local producer ng kanyang show sa korte.
Last week din, hindi inaasahan ang pagputok ng balita tungkol sa isyu sa sinasabing pera at pagwawaldas ng ilan sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo, na sa walang kapararakan napupunta ang malaking bahagi ng pera na nalilikom ng simbahan nila, ayon sa isang taga-loob.
Ayon sa Rappler.com, isang news agency na naka-based sa Pilipinas: “Aircraft worth billions of pesos are being used by Iglesia ni Cristo (INC) executive minister Eduardo Manalo in his pastoral and personal trips abroad, informed sources confirmed to Rappler. The planes – an Airbus A-300 and a Boeing 737-700 IGW – are both registered in the Cayman Islands. The personal use of the Airbus has enraged some INC members who say it is “excessive luxury” which the former INC head, Eduardo’s father Eraño or “Ka Erdy” did not lavish upon himself.”
Kung ganito kagarbo ang mga nasa pamunuan ng simbahan ng mga nanampalataya sa INC, totoo kaya ang bali-balita na ang pera ng INC ay galing din sa “panliligaw” ng mga pulitiko sa panahon ng eleksyon?
‘Di nga ba’t sabi-sabi na kapag sinabi ng INC na iboto si ganito o ganireng kandidato, walang sablay ay sinusunod ng INC followers ang utos ng kanilang mga pinuno?
Isa mga mga showbiz celebrities natin na kilalang INC follower ay si MTRCB Board Member and actress Gladys Reyes.
Ayon sa aktres: “Ako’y Iglesia ni Cristo… dahil sa kaabalahan sa teyping ng serye, pagrerebyu ng mga materyal sa telebisyon at pelikula bilang isa sa lupon ng MTRCB, kabi-kabilang pulong bilang “executive producer” para sa aking programa, pirmahan ng kontrata para sa isang makabuluhang programa sa telebisyon.
“Nais kong maglahad ng aking saloobin ukol sa maituturing na pinakamalaking pagsubok sa INC.
“Sa aking mga katrabaho at “kaibigan” sa tunay na kahulugan ng salitang ‘yun na hindi ko naringgan ng sarkastikong komento, na hindi agad-agad nanghusga, ‘di nagpadama ng pagiging insensitibo, bagkus nagpaabot ng pagmamalasakit, simpatya at respeto sa aming nararamdaman kulang ang salitang salamat!! “
Dagdag pa ni Gladys na isinulat niya sa kanyang Facebook account: “Sa mga kapatid sa Iglesia, mas lalo tayong magpakatatag at pakahigpitan ang pagkapit sa doktrina at aral na tumimo sa ating puso, isip at kaluluwa. Mas lalo natin pagtibayin ang pundasyon ng ating pananampalataya. Sa mga ganitong panahon, wag tayong manghina, wag tayo manlupaypay, hindi kahinaan ang pagluha, iiyak natin lahat sa ating Panginoong Dyos sa pamamagitan ng panalangin, ang lahat ng hapis at suliranin. Pakatandaan po natin sa Dyos tayo naglilingkod at hindi sa tao. Ako’y Iglesia ni Cristo… mananatili at maninindigan!”
Kung saan man hahatong ang isyung ito na walang ipinag-iba sa isyu ng korapsyon sa lipunan na ating ginagalawan sa kasalukuyan, ‘ika nga “The Thruth Shall Prevail”, as long na walang cover-up at maging transparent lang ang pamunuan para mawala at mabura ang pagdududa ngayon ng ilang kasapi nila sa mga kaganapan.
Reyted K
By RK VillaCorta