IKINAGULAT AT ikinaloka ni Gladys Reyes na kung kailan daw siya tumagal ng dalawang dekada sa showbiz, ngayon pa siya naging contract artist.
Siya kasi ang pinakabagong contract artist ng GMA-7. Dalawang taon ang pinirmahan niyang contract at kaagad siyang isinama sa show ng pinagbibidahan nina Raymart Santiago at Celia Rodriquez.
Katunayan, hanggang ngayon ay ayaw pa ring pumasok sa isip ni Gladys na siya ay contract artist ng isang higanteng network. Nasanay na kasi siya sa palipat-lipat ng istasyon. Pero dahil na rin sa paniniwala ng kanyang manager na panahon na para masabi na mayroon siyang home network, kaya tinanggap na rin ang offer ng GMA-7.
Masaya si Gladys dahil feeling niya ay isa siyang big star dahil sa exclusive contract niya sa Kapuso Network.
Pero pigil ang pagiging kontrabida niya sa bagong serye na pinagbidahan ni Raymart at Jillian Ward dahil pambata ang show. Nag-aalala kasi siya na baka katakutan siya ng mga batang nanonood ng programa.
Hindi na siya nag-aalala sa mga anak niya dahil alam na raw ng mga ito na role lang ang ginagawa niya sa telebisyon o pelikula.
Samantalang dream come true naman para kay Gladys na makasama si Ms. Celia sa isang serye. Dapat daw tularan ng mga bagong artista ngayon ang hinahangaan niyang character actress na hindi lumalabas ng bahay nang hindi naka-make-up at pusturada.
Ang iba raw kasing artista ay lumalabas ng bahay na aakalain mo raw na maglalaba lang. Mga burara raw at hindi inaalagaan ang sarili sa harap ng publiko.
WALA NA talagang makapipigil sa kasikatang tinamatasa ngayon ni Daniel Padilla. Magmula nang magklik ang loveteam nila ni Kathryn Bernardo, nagsimula na itong sumikat at pagkaguluhan ng mga bagets na kababaihan.
Pero may pagtatampo lang ang mga kasamahan namin sa pagsusulat na nagmamahal at laging nagtatanggol kay Daniel na tila nakakalimutan ng kung sinumang namamahala sa showbiz career nito na kapag may pagtitipon ang bagets star ay nakakalimutan silang imbitahan para mag-cover.
Samantalang kapag kaharap mo raw itong tao na feeling publicist ni Daniel, super lambing sa mga press. Pero nang mag-imbita na raw ito para mag-cover ng project ng bagets star, etsa-puwera at parang hindi na sila kilala.
May attitude daw itong si… na feeling personal publicist ni Daniel.
MASAYA ANG pagpasok ni Ara Mina sa Teen Gen sa role na dating karelasyon ni Wacks o Bobby Andrews na pinagmulan ng selosan sa pagitan nila ni Peachy o Angelu de Leon.
Sinabihan ni Wacks na tapos na ang relasyon nila ni Violet o Ara kaya nagpaalam na ito. Pinagtataguan naman ni Peachy si Wacks pero patuloy pa rin siya. May bulutong pala si Peachy kaya nagtatago pero desidido talaga si Wacks na suyuin itong muli.
Problema naman ang sinapit ni Angge (Thea Tolentino) dahil ang kanyang Mommy D (Isabel Granada) ay napeke ng agency kaya hindi na matutuloy ang pagtatrabaho nito sa South Korea.
May following na ang Teen Gen na napapanood sa GMA-7, katunayan ang patuloy na pagtaas ng rating nito.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo