ANG DAMING aberya ng pelikulang Ang Sugo na noon ay pagbibidahan ng mga malalaking artista natin sa showbiz tungkol sa kuwento ng buhay ng pinuno at ama ng INC (Iglesia ni Cristo) na si Felix Manalo na aabot ang kuwento sa current head ng INC na si Eduardo Manalo.
Malaki ang announcement na ginawa nila noon almost two or three years ago, kung saan halos lahat ng main cast at supporting characters ay naroroon to grace one of the biggest INC affairs sa Quezon City Sport Club.
Ang mga atistang INC ang pananampalataya tulad ng mag-asawang Gladys Reyes at Christoper Roxas ay kabilang sa pelikula na noon ay si Tikoy Aguiluz ang director.
Nandoon sina Richard Gomez at Albert Martinez, at maging ang nakakulong ngayon na si Sen. Bong Revilla (sila ang mga nasa major roles portaying the life story of the INC head sa iba’t ibang panahon) ay gaganap din sa pelikula kasama ang misis na si Lani Mercado.
Akala ko nga ay magsisimula na ang shooting ng pelikula. ‘Yun pala’t puro drumbeating lang na waley naman pala. Nag-ingay lang na hindi pa handa ang INC na harapin ang kabaliwan ng showbiz na for sure, sa unang sabak nila, nabaliw sila sa mga kaganapan at mga pangyayari.
Kaso sa dami ng problema na kinaharap ng production team, nawaley at nabura sa listahan ng Ang Sugo ang direktor sanang si Tikoy. Ewan ko kung ano ang nangyari dahil kabi-kabila kasi ang tsismis noon na palagiang natatagpuan ang direktor sa casino which is a “no-no” sa mga INC. Knowing the INC, ang daming mga ipinagbabawal sa kanila, na bukod sa pagsusugal, ang alam ko ay bawal din ang pag-inom at ang pambababae (kasama rin kaya ang panlalalaki at pambabakla?).
Sa ngayon, si Joel Lamangan na ang nag-direk sa pelikula at sa awa ng mga mananampalataya ng INC at sa Dios ay nairaos ito at natapos.
Dahil sa aberya na itinagu-tago ng mga tao sa likod ng produksyon, lahat ng mga nasa original cast ay nangawala. Naglaho na lang na parang bula. I just don’t know kung binawi ‘yung down payment ng INC sa mga kinontrata nila at nabigyan ng DP, at kung ano ang naging arrangement ng mga artista dahil naka-hold ang schedules nila for the movie at naglaan sila ng time para rito, na ang problema ng direktor at ng produksyon ay ‘di naman nila saklaw.
Ayon kay Gladys Reyes na isa sa mga nasa orihinal na artista sa pelikula, “Sina Snooky at Christopher na lang ang natira from the original cast,” kuwento ng aktres and host ng Moments sa amin thru our FB chat.
Lahat ng mga artista, mga bago na. “I think December po target showing. As far as I know part po ng cast sina Dennis Trillo, Bella Padilla, Gabby Concepcion, Richard Yap, Heart Evangelista, Snooky Serna, Tonton (Gutierrez), Glydel (Mercado), and Bobby Andrews, at marami pa pong iba.”
Sa ngayon na halos tapos na ang main shooting ng pelikula, mas focus naman ngayon si Gladys sa kanyang TV career with a romcom sa Kapuso Network na Let the Love Begin with Ai-Ai delas Alas at ang kanyang talkshow sa Net 25 na Moments aside from being a mom to her three kids and wifey of Christopher.
Reyted K
By RK VillaCorta