NAKATUTUWA NA malalaman mo na binabasa pala ng respetadong aktres na si Gladys Reyes ang mga isinusulat ko sa FB page ko. Naaaliw daw siya sa mga opinion at komentaryo ko sa showbiz, pulitika at mga kaganapan sa buhay ng bawat Pilipino.
Sabi ko sa kanya ganun ako. Kung ano ang nararamdaman ko at pinaniniwalaan, isinusulat ko. Hindi lang kako ako nabubuhay sa “sobre”. Kahit showbiz ako, may mga commitments at advocacies din naman ako na magpasa-hanggang ngayon ay pinaniniwalaan ko, ipinaglalaban, at pinaninindigan.
Tulad ni Gladys na sa karakter niya na “mataray”, straight forward lang siguro ang tawag ko sa mga tulad niya. Parang ako na diretso kausap. Black and white lang. Bawal ang kulay gray o ‘di kaya’y tumahimik ka na lang.
Sa set visit namin last week sa bagong teleserye ng kaibigang Gladys na “Little Nanay” (sa likod ng simbahan ng Sta. Ana, Maynila) para sa GMA Telebabad na magsisimula na sa darating na Lunes, Nov. 16, naibalita niya na happy siya sa mga blessings na dumarating sa kanya.
Bukod sa bagong serye niya with Kris Bernal and Nora Aunor, she is also celebrating the 7th year anniversary ng kanyang show na “Moments” sa Net25, kung saan sa recent “honeymoon” nila ng husband na si Christopher Roxas sa USA, nakapag-taping pa siya ng ilang episodes for the show.
Kuwento nga ng always happy na Gladys sa amin, sa story conference nila ng teleserye, habang naghihintay ang mga kasamahan niyang mga artist na prim and proper kahabang kaharap si Mama Guy, wala siyang pakialam na nagpakuha ng selfie sa aktres.
“Paminsan-minsan lang nangyayari na makasasama mo sa isang project ang isang living legend,” pagmamalaki niya.
Nakasama na ni Gladys si Mama Guy nang mag-guest ito sa show niyang Moments noon. “Pero kung p’wede pa siyang mag-guest sa amin, why not. Gusto ko. Sana maisingit niya sa sked niya ang invitation ko.”
Si Gladys, isa sa mga artistang vocal na tulad ko, kung ano ang nasa sa isip, hindi siya nahihiya na sabihin o itanong sa kaharap. Kung ano siya as a host sa “Moments”, ganu’n din siya ka-bubbly at alive na alive kapag kaharap mo na siya in person.
“Kaya nga after ng selfie namin ni Ate Guy, kapag nakikita niya ako at nakauusap, happy ang mood sa set. Laugh siya nang laugh. Ewan ko kung natatawa siya sa itsura ko or the way I talk,” kuwento ni Gladys sa amin.
Reyted K
By RK VillaCorta