MATAGAL NANG miyembro ng Iglesia ni Kristo si Gladys Reyes kaya todo iyak daw at talagang naapektuhan sa intriga, akusasyon at masasakit na pananalita na ibinato laban sa kanyang relihiyon.
“Napakaipokrita ko kung sasabihin ko na hindi ako apektado. Naiyak ako sa nangyari,” say ni Gladys.
“Imagine mo, after 101 years, ngayon lang may lumabas na ganyan. Talagang pagsubok, eh. Pero sabi nga, kahit na anong relihiyon, may mga pagsubok na dumarating. At sa akin, paninindigan ko ang aking post sa aking Facebook account na basta ako, alam ko na naglilingkod ako sa Diyos at hindi lang sa tao.
“Basta ako, naninindigan ako sa pananampalataya ko, hindi dahil sa nakagisnan ko na ito kung hindi ito talaga ang nakilala ko at siyempre sinampalatayanan ng buong pamilya namin hanggang sa nagkaasawa na ako, hanggang sa mga anak namin. “Lahat ng itinuturo rito ay batay sa Biblia. At wala po kaming sariling Biblia,” pagtatanggol na paliwanag ni Gladys sa kanilang kinasasanibang relihiyon.
Nilinaw rin ni Gladys yung tsismis na obligado silang magbigay ng 10% ng kanilang kinikita sa simbahan na tinatawag ngang tithing.
“Hindi po totoo ‘[yung) 10 percent, ‘yung tithing. Hindi po totoo ‘yun. Sabi ko nga, sana bago tayo mag-sarkastikong komento, sana talagang inaalam muna nila,” say ni Gladys.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo