DINI-DENY NI Glaiza de Castro na may “something” sa kanilang dalawa ni Benjamin Alves.
“Friends lang po kami,” kuwento niya sa amin sa press launch ng mapangahas niyang role as a feminine lesbian sa bagong kontrobersiyal na seryeng pangtelebisyon ng GMA Network na The Richman’s Daughter, na magsisimula na today, May 11.
Sabi ni Glaiza, naging close sila ni Benjamin (we call this guy Benj) nang bigyan ng titulo ang music CD niya na “Synthesis” ini-launch kamakailan. Naging close kasi ang dalawa.
“Magaling kasi siya sa mga ganu’n. ‘Di ba graduate siya in English Literature sa University of Guam before he entered showbiz?” kuwento ng dalaga sa amin.
Naging buddy-buddy sila ni Benj noong magkasama ang dalawa sa panghapong seryeng Dading where Benj played her boyfriend after ng nausyaming relasyon nila ni Gabby Eigenmann.
Sa bagong serye, first time ni Glaiza na mag-portray as a lesbian. “No experience yet sa kapwa babae,” panigurado niya sa amin.
Originally, si Marian Rivera dapat ang bida sa kuwento playing the role of Jade Tanchingco. Because of the delicate pregnancy ni Yan, mas minabuti nito na mag-back-out sa teleserye, dahil hirap ito sa pagbubuntis sa una nila ng mister na si Dingdong Dantes.
“I’m thankful dahil siya ang personal na pumili sa akin to play the role as Althea Guevarra na magkakaraoon ng relasyon kay Jade.
Siya rin ang dahilan ng awakening ni Jade na may alternatibo at ibang klase ng relasyon na hindi lang nakasanayan ng publiko, itong lesbian love or sa lenguwaheng bagets “Lesbo Love”.
Sa ‘lesbo-serye’, magugulat tayo sa mga eksena nila ni Rhian Ramos (who plays Jade) na pumalit sa role ni Marian.
I’m sure magiging kontrobersiyal na naman ang seryeng ito, tulad sa kontrobersiya na dala ng ‘beki-serye’ na My Husband’s Lover na marami ang nag-react.
I’m sure ay may kissing scene sina Glaiza at Rhian bukod pa sa regular love scene ng dalawang “nagmamahalan”; ‘yun nga lang romansa na babae sa babae.
Reyted K
By RK VillaCorta