LAKING PAGTATAKA NI Manny Valera sa biglang pag-usbong ng isang issue tungkol sa alaga nitong young actress na si Glazia de Castro.
Ang “issue” umanong ipinupukol kay Glaiza, na lumabas sa isang tabloid (hindi po Pinoy Parazzi) ay sa paggawa raw ng launching movie ni Glaiza sa Regal Entertainment na Aswang, isang horror flick to be directed by indie-now-mainstream filmmaker Jarrold Tarog, baka raw makatanggap ng TRO (temporary restraining order) ang nasabing movie.
Diumano, may pending contract pa raw si Glaiza sa Viva Films, at dinaan pa sa blind item ang pangalan ng former manager nito kung saan nakakontrata umano ang young actress. Hindi raw kaya magsampa ng TRO ang Viva laban sa Regal sa launching ni Glaiza?
Nag-react si Direk Manny upang linawin ang maling balita. Nag-text ito sa sumulat ng item, at tinatawagan, pero deadma ito at walang reply. Natanggap rin namin ang forwarded text message na ito ni Direk Manny:
“To clarify the issue, I verified from June Rufino of Viva, and this is what she told me: Number one, that Glaiza signed a contract with Viva from 2000 to 2003.
“Number 2, that Glaiza was given a release from the contract from Viva on February 14, 2001. I hope this info will settle the issue and put it to rest. Thank you.”
So, malinaw na wrong facts ang nasulat na pang-iintriga kay Glaiza. Wiz namin malaman kung sino naman ang source ng nagbalitang ‘yun, eh 2001 pa lang pala eh na-release na ito formally from the Viva contract. At 2011 na, huh! Ilang taon ba ang pagitan ng 2001 sa 2011, sampung taon, ‘noh!
Ilang taon nang under DMV Entertainment ni Direk Manny si Glaiza de Castro. Nakagawa na ito ng lead role sa mga makabuluhang Cinemalaya indie film na Still Life (kung saan na-nominate si Glaiza as best actress), at markadong role sa Astig nina Dennis Trillo, Sid Lucero, etc.
Of recent years lang ang mga ito at nai-release na rin ang mga pelikulang nabanggit commercially.
Sa GMA 7, ilang TV shows na ang nilabasan niya, hanggang last year 2010, binigyan siya ng break ng Kapuso network upang magbida sa top-rating na Grazilda.
And since 2001 pa released si Glaiza sa Viva, sa DMV Entertainment ni Direk Manny ang napiling pirmahan ni Glaiza around some years ago na at unti-unti na ngang nagbubunga ang kanyang pagsusumikap at pagtitiyaga, dahil bida na siya sa Aswang.
Ngayong February na ang start ng shooting, with Dennis Trillo as leading man no less. In the can pa rin ang isa pang indie film ni Glaiza, ang Rock En Roll, directed by Quark Henares.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro