MASAYA ANG actress/singer na si Glaiza de Castro dahil labas na ang kanyang third album under sa kanyang production, ang “Glaiza de Castro, Synthesis”, kung saan katulong niya sa pagbuo ng kanyang album ang kanyang mga kaibigan like Alessandra de Rossi at Angelica Panganiban.
Tsika nga ni Glaiza, “Kasi kung makikita n’yo rito, ‘yung mga collaborators ko rito, mga kaibigan ko. Like, may collaboration ako with Alessandra de Rossi na napakadaling kausap, sinundo pa ako sa bahay. Hahaha! Tsaka si Alessandra, nagpo-produce din siya ng album, kaya nagkakaintindihan kami.
“Meron din akong collaboration with Angelica Panganiban. Minsan nga nag-text ‘yan sa akin, ang haba-haba. Nu’ng una, hindi ko ma-gets, pero nang binasa ko, sabi ko, ah… lyrics pala ito, may pinaghuhugutan. Hahaha!
“Sana suportahan ng mga Pinoy na mahilig sa musika ang album ko,” pagtatapos ni Glaiza.
Padilla siblings, season 2 na ang sitcom sa TV5
HAPPY ANG buong staff and crew, especially ng Padilla siblings na sina Robin Padilla, Rommel Padilla, at BB Gandanghari dahil sa success ng kanilang show na 2 ½ Daddies na napanonood tuwing Sabado, 8pm sa TV5.
At sa pagpasok nito sa season 2, mas nakaaaliw, riot, nakatatawa, pampamilya, at may kapupulutang aral ang bawat episode na mapanonood dito.
Bukod sa Padilla siblings, kasama rin sa casts ng 2 ½ Daddies sina Francine Prieto, Alberto Bruno, ang showbiz Icon na si Ms. Celia Rodriguez, at Dennis Padilla. Ito’y sa mahusay na direksyon ni Monti Parungao.
Limited edition ng speakers ng UPGRADE, labas na
LUMABAS NA ang limited edition ng speakers ng Internet Sensation at tinatayang isa sa pinakasikat na boy group sa bansa, ang UPGRADE na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Mark Baracael, Rhem Enjavi, Raymond Tay, Miggy San Pablo, Ron Ivan Lat, at Miggy San Pablo.
Mabibili ang UPGRADE Speakers sa Robinson’s Ermita, Robinson’s Galleria, SM Sta. Mesa, SM Clark, SM Molino, SM North Edsa, SM Calamba, SM Manila, at SM Megamall.
Bukod sa pagiging endorsers ng mga ito ng Royqueen, endorsers din sila ng UniSilver Time, Cardams Shoes, Headway Vera Salon, at MyPhone.
KANDIDATA NG Miss Earth Philippines 2015, bumisita sa planta ng Psalmstre
PAPASYAL NGAYONG araw April 20, 2015 sa planta ng Psalmstre, maker of Olive C, Gluthamine , New Placenta, atbp. ang mga naggagandahang kandidata ng Miss Earth Philippines 2015.
Sinalubong ang mga beautiful ladies ng napakabait at generous na CEO/President ng Psalmstre na si Sir Jaime Acosta. Habang hinandugan naman ang nga ito ng awitin ng napakaguwapong Creworks talent na si Lawrence Mossman na isang half-Filipino at half-New Zealander.
Taun-taon ay sumusuporta ang New Placenta sa magandang adhikain ng Miss Earth Philippines na pangalagaan ang ating Mother Earth. Kaya naman ngayong Miss Earth Philippines 2015, 100 % pa rin ang suporta ng Psalmstre sa gaganapin nitong pageant.
John’s Point
by John Fontanilla