By Mica Rodriguez
PAANO MALALAMAN kung muling sasabak sa pagta-taray at pagkokontrabida si Glaiza de Castro? Check the hairdo! If the bangs are back, it means that she will make our TV viewing pleasure heavier with her maldita antics!
Inaabangan na ng Kapuso loyalists ang Philippine remake ng Temptation of Wife, isang Koreanovelang minahal sa buong Asya. Ito ay nakatakdang mag-umpisa sa Oktubre 29. Ito ang comeback ni Glaiza de Castro sa pagko-kontrabida. Huli siyang napanood sa Amaya at Biritera, kung saan gumanap siya ng goody-goody roles.
Second choice lang si Glaiza sa papel na Heidi, pero masaya ito na isang challenging role ang itinoka sa kanya. Bilang Heidi, mapapasabak ang dalaga sa mga maiinit na eksena at siguradong sandamakmak din ang catfight scenes nila ni Marian Rivera. Hindi lang pala sa pagandahan at paseksihan maglalaban ang dalawa – bonggang aktingan showdown din ang magaganap!
Si Dennis Trillo ang pag-aagawan nina Marian at Glaiza rito. Magagaling ang mga artistang pasok sa Temptation of Wife kaya mataas ang expectations ng mga manonood lalo na ng mga fans ng original Korean series.
Maliban sa Temptation of Wife, regular pa ring napapanood si Glaiza tuwing Linggo sa Party Pilipinas na bumibirit at gumigiling. Isa rin siya sa bida ng upcoming indie film na Madaling Araw, Mahabang Gabi with Angelica Panganiban, Rocco Nacino, Dominic Roco at Cherie Gil. Sa Palawan kinunan ang buong pelikula. Hanep!
Isa akong tagahanga ni Glaiza de Castro kaya suportado ko ang kanyang bagong proyekto. Ang gusto ko kay Glaiza ay hindi siya katulad ng iba na basta magbida minsan, nagpi-feeling na hindi na gustong bumalik sa pagko-kontrabida. Meron ka-sing iba na takot ma-typecast, pero ang totoong artista ay hindi takot sumugal. More power to you, Glaiza! Apir!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club