HINDI PALA pagiging rapper ang pangarap noon ni Gloc 9. Ayon sa kanya, gusto niyang maging balladeer noon. In fact, gumawa pa siya ng album na hindi rap.
“Frustrated singer po ako. Ako po ay nag-try na maging isang balladeer dati,” pag-amin niya na natatawa.
“May song po akong na-record sa aking mga unang album. Ang title po ng kanta ay Bituin, tungkol sa isang tatay na OFW na nagtrabaho at nangibang-bansa na nu’ng umuwi siya ay nawalan naman siya ng isang anak.
“Ballad po ‘yon at yon ay nasulat ko in 30 minutes. Pero halos 10 years ko na ‘atang nagawa ko ‘yon,” kuwento pa ng sikat na rapper.
Gloc-9 will be celebrating his 18th year in the music industry sa pamamagitan ng series of concert titled Ang Kwento Ng Makata: Gloc-9 Live! sa Museum on Oct. 10, 17, 24 and 23. Ilan sa special guests niya ay sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Yeng Constantino, Rico Blanco, at marami pang iba.
“Ako po ay very thankful sa lahat po ng taong nakatrabaho, nakilala, at sa lahat ng tao na sumusuporta sa akin.”
Meron pa ba siyang mahihiling pa?
“Kung meron man po siguro, ‘yon ay ang ma-sustain ko ang meron ako ngayon at siyempre, mapalaki ko ang lahat ng aking mga anak nang maayos at mabigyan sila ng magandang buhay,” simpleng sagot niya.
La Boka
by Leo Bukas