Bukod sa Pilipinas na No. 1 sa ranking, ang iba pang top contenders base sa Lazada Philippines Miss Universe fan vote ay ang 2. Vietnam, 3. Indonesia, 4. Thailand, 5. Malaysia, 6. Korea, 7. Portugal, 8. Romania, 9. Armenia at Singapore na nasa no. 10.
Sa previous interview namin sa kauna-unahang naging Miss Univerese ng Pilipinas na si Ms. Gloria Diaz ay nagkomento ito noon tungkol sa chance ni Gazini Ganado to win the crown when she competed for Miss Universe in 2019.
Sambit pa noon ni Gloria, “You know, I was a judge when she won, so baka makalusot.”
Ngayon kaya, ano sa tingin niya ang chance ni Rabiya Mateo sa international pageant?
“Maganda naman si Rabiya talaga,” papuri ni Gloria sa ating representative sa ginanap na virtual presscon ng pelikulang Mommy Issues ng Regal Entertainment nitong April 29.
Kung kakayanin bang manalo ni Rabiya, ani Gloria, “I can never tell, but she is really deserving.”
Dagdag pa niya, “Maganda siya. Actually, ang dami kong nakikitang photos niya and she seems to be a very nice girl. Alangan naman sabihin kong pangit siya, ’no?”
Eh, ano naman ang reaksyon ng former beauty queen sa pangunguna ni Rabiya sa online voting ng isang shopping app?
“Happy! At least, hindi lang tayo sa COVID number one, di ba?” diretsong tugon ni Ms. Glo. “Kasi puwedeng tayo na siguro ang pinakamadaming Miss Universe. For how many years? Forty-five years? Tapos sunud-sunod na ngayon. Viva La Filipina!” pagmamalaki pa niya.
Gaganapin ang 69th Miss Universe coronation night sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino in Hollywood, Florida sa May 16, 2021 (May 17 in Philippine time). Mapapanood ito nang live sa A2Z.
Meanwhile, speaking about her new film Mommy Issues na Mother’s Day offering ng Regal Entertainment, inilahad ni Gloria na wala siyang natatandaang mga naging “mommy issues” while she is raising her children.
Sa pelikula na streaming worldwide simula May 7 via Upstream.Ph, Ktx.Ph and iWantTFC ay gaganap si Ms. Glo bilang nanay ni Pokwang. Kasama rin sa Mommy Issues sina Ryan Bang, Sue Ramirez at Jerome Ponce. The film is directed by Joey Reyes.