Gloria Diaz, walang balak insultuhin ang mga Cebuano

Enjoy si Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj sa unang sabak niyang umarte sa harap ng camera. Ito ay nang mag-taping siya kamakailan bilang guest sa sitcom na Show Me The Manny ng GMA-7. Sabi pa ng Bicolana, ang saya raw palang katrabaho nina Marian Rivera at John Lapus na kabilang sa regular mainstay ng nasabing programa.

“Mababait sila,” aniya pa. “They made me feel comfortable kahit first time ko nga to try acting. Naninibago ako kasi it’s something new talaga na hindi ko naman ginagawa before.”

Nakakatuwa rin na sa mga eksenang nagkakatabi sina Venus at Marian, hanggang balikat lang pala niya ang huli. Gano’n pa man, parang nai-starstruck daw siya sa ganda at kaseksihan din daw ng aktres.

Kaliwa’t kanan ang TV guestings ngayon ni Venus. Naikot nga niya lahat ng talk shows who invited her for a live guesting mula Startalk, The Buzz, Showbiz Central, hanggang pati sa celebrity talk show ni Arnold Clavio sa QTV 11. Wari’y senyales na tuluyan na niyang papasukin ang showbiz.

Open raw talaga si Venus sa pagpasok sa showbiz. At okey rin lang daw sa kanya kahit anong role ang ibigay sa kanya.  Siguro raw, kahit pagiging kontrabida, kakayanin din niya. Huwag lang daw ‘yong mga papel na masyadong mabigat sa loob.

Pagdating naman sa gusto niyang maging leading man, wala raw siyang partikular na pangalang maisip. Pawang nagguguwapuhan daw ang mga pangunahing aktor natin sa kasalukuyan na pakiramdam umano niya’y wala siyang itulak-kabigin.

“Maraming guwapo talaga,” nangingiting sabi ni Venus. “Sina Dingdong Dantes… ang dami-dami talaga. Parang… kung ihaharap siya sa ‘yo at papapiliin ka, puwedeng sila na lang lahat?!  Ha-ha-ha!”

Balitang magiging bahagi na raw nga si Venus ng morning show na Unang Hirit. Pero ayaw muna itong kumpirmahin ng dalaga. Abangan na lang daw kung ano ang mga susunod na kaganapan sa unti-unti niyang pagpasok ngayon sa showbusiness.

Kumpara sa pag-aartista, tingin namin ay mas babagay nga kay Venus ang pagiging isang TV host. Hindi lang kasi siya basta talkative kundi may sense of humor din at marunong mag-interact sa kausap.

Bakit kaya hindi pa siya i-offer ng Showbiz Central bilang pantapat sa dating naging finalist din sa Miss Universe (hindi nga lang pinalad na maging runner-up) na si Charlene Gonzales na kapapasok din lang bilang karagdagang host ng katapat na programang The Buzz?

We really feel that Venus can be a major major talk show host if given a major major chance to do the job.
Naman!

THE MAJOR MAJOR fever of Venus Raj’s answer during the Miss Universe is still on. And there’s a lot who still can’t get over with it and move on.

Kahit nga ‘yong simpleng pahayag ng dating Miss Universe na si Gloria Diaz in reaction sa naging sagot na ‘yon ni Venus sa Miss U na sang-ayon siya sa sinasabing panahon na nga na magkaroon ng interpreter ang mga nagiging representative ng bansa sa mga international beauty pageants kung hirap ang mga ito na i-express ang sarili sa wikang Inggles, biglang naging national issue na rin ngayon. Na umabot na nga sa puntong may mga Cebuanong politicians gaya ni Rep. Cutie del Mar na nagpahayag din ng pagkadismaya sa privilege speech nito kamakailan.

Wala umanong ibig ipakahulugan si Gloria nang sabihin niya sa interview sa kanya ng showbiz correspondent ng TV Patrol na si Mario Dumaual ang kanyang suhestiyon na: “Our candidate should have an option to answer in their native dialect. Kasi when you think of a Cebuana who can hardly speak in English and of course Tagalog, maybe she should answer in Bisaya.”

At dahil do’n, umalma na nga diumano ang mga Cebuano at nanawagan na mag-public apology ang actress-beauty queen, dahil sa ayon sa mga ito ay insulting remarks daw iyon ni Gloria. Maging ang Vice Mayor’s League of the Philippines-Cebu ay napabalita na ring nag-issue na ng resolution na nagdideklara sa dating Miss Universe bilang persona non grata sa Queen City of the South.

Kaugnay nito, nagbigay naman ng paglilinaw si Gloria na she never said that Cebuano’s cannot speak English or her statement meant to insult them. Aniya nga, “Let me clarify it once and for all. People should have the right to say or to answer questions in whatever language they want to say it in. If they are Cebuanos, they can say it in Cebuano. I did not say that they did not speak in English. If you’re Ilocano, say it in Ilocano. But if you’re Ilocano who speaks good English, say it in English. If you’re Cebuano and you’re comfortable in Spanish, say it in Spanish. That’s what I said and that’s what I meant.”

Klaro naman nga, ‘di ba? Bakit kailangang palakihin pa?

Previous articleSa sobrang kati ng paa: Judy Ann Santos, nakakalimutan nang pabaunan si Ryan Agoncillo?!
Next articleMariel Rodriguez, dawit sa pagkakalat ng panlalalaki ni Claudine Barretto!

No posts to display