FOR MORE THAN four decades, still active pa rin sa showbiz si Ms. Gloria Romero. “Ayaw ko pang mag-resign, may balak ako with the grace of God kung pagbibigyan ako. Mag-e-eighty years old na ako, three years from now,” say ng veteran actress.
As an actress, halos lahat ng mabibigat na role ay napasakamay na niya at nagkamit na rin siya ng Best Actress at Best Supporting Actress awards sa iba’t ibang award-giving bodies. “Suwerte-suwerte lang siguro na mabigyan ng chance. Ako naman, happy ako ‘pag nagtratrabaho, even maliit lang ‘yung role basta may laman, I accept lalo na if I like ‘yung mga actors at director ko.”
Matagal na palang nililigawan ng Kapamilya Network ang magaling na veteran actress. “For sometimes… 3 years ago, I was ask and we talk. Lagi akong may assignment na ginagawa so, sabi ko, 3 years na lang, gusto kong mag-work sa GMA, na pinagbigyan naman ako. Maraming beses na akong gusto nilang mag-guest sa kanilang teleserye. Palagi kong sinasabi, next time, next time. Gusto ko namang magtrabaho sa ibang network before I retired, baka hindi na ako makapag-memorya.”
Kahit walang kontrata si Tita Gloria sa anumang network, patuloy pa rin ang paggawa niya ng makabuluhang teleserye tulad ng “Ang Munting Here-dera” at “100 Days.” So far, I’m making two projects sa GMA, that’s only once a week. I love comedy with Cesar Montano. Guest lang ako sa 100 Days, maraming artista ang nag-guest doon then nag-start na ako with Direk Maryo de los Reyes. Ang role ko, hindi siya magi-ging mayaman kung hindi siya nagsikap. She’s very loving lalo na sa kids, istrikta pero mapagbigay. She gives sa mga cha-rity work, money… lahat because galing siya du’n. Ang hindi lang niya ma-tolerate ang katamaran.”
Through the years sharp pa rin ang memory ng Movie Queen ng local cinema. Buong pagmamalaking sinabi ni Tita Glo na wala pa siyang memory -gap. So far, wala pa, I don’t take anything to improve, may ano kasi, baka I will rely on it, ‘di ba? Tapos sasabihin ko, hindi kasi ako nakainom kaya hindi ko na-memorize. The only trick na ginagawa ko, first, I read the whole script… from there, ‘yung role ko, binabasa kong mabuti and I’ll try… hindi ako nagme-memorize ng page to page. Four pages kapag nasa mood ako, more or less alam ko na.”
Kahit anong role, mapa-bida kontrabida, epek pa rin ang character ni Tita Gloria sa viewing public. Mayroon pa kaya siyang pina-ngarap na role na gusto niyang magampanan? “Sa totoo lang, hindi ako mahilig na ganitong bihis na bihis, donyang-donya. Siguro noong kabataan ko, nagsawa na rin ako ng ganitong role. Once, salbahe ako in awhile, I like it pero gusto ko ‘yung role ko, mahirap walang make-up na naka-duster ‘yung mga ganoon, I love it!
“Nag-enjoy ako noong unang nag-kontrabida ako sa “Condemmed” with Nora Aunor and Dan Alvaro. Sa “Tarima” grabe ako roon,’yung first day shooting namin sabi ni Fanny, sampalin ko siya nang todo kasi hindi raw kasi siya maka-react. Bueno, maghintay ka, nang matapos… sabi ni TF, sumobra naman. Hahahaha!”
Para kay Tita Gloria, very challen-ging ang role niya sa bago niyang soap sa Kapuso Network.”This once is changing of moods, ga-lit… minsan hindi. Maghihirap siya uli kasi marami ang nag-aambisyon sa kanyang kayamanan.”
Anong mas exciting, doing teleserye or pelikula? “Para sa akin magkaibang-magkaiba, pero kung gusto mong maging sharp ang memory mo, sa TV ka pumasok. Hindi ka puwede rito na mabagal kang mag-isip kasi, we’re dealing with everyday series, ‘di ba? So, kapag sinabi ng director na tuhog ang eksena na pinagawa sa akin ni Direk Wenn (Deramas) nahilo ako sa “Dulo Nang Walang Hanggan”. Sabi ko, Direk, ano ba ang tuhog? Hindi ko maintindihan. Sabi niya, ganito po ‘yun. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang gagawin ‘yan. Can you give me time? Naku! Binigay sa akin ‘yung script, ito lang ang eksena… sa table na magpapalit lang ng damit seven sequences. Remember everything, my God! Hindi ako kumain ng tanghalian baka mapahiya ako. Grabe, magri-resign ako so, nasanay na ako ng ganu’n. Sa pelikula, your dealing with one story, correct?” Masayang kuwento ni Ms. Gloria na very happy ngayon sa bakuran ng GMA.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield