SA FIRST SHOOTING day pa ng pelikulang ginagawa nina Nora Aunor at Gov. ER Ejercito, masayang nakausap namin si Gloria Sevilla. Si Tita Gloria ay maka-limang beses nang gumanap bilang ina ng Superstar. “Sa ngayon, okay naman si Krista Ranillo, nasa Amerika siya at nag-attend ako ng binyag ng anak niya.”
Si Tita Glo ay lola ni Krista Ranillo na unang ini-link noon kay Manny Pacquiao. “Nagpapasalamat naman ako at natapos na rin sa wakas ang issue na iyan. Maligaya ako dahil masaya na ang apo kong si Krista kasama ang kanyang pamilya. Tahimik na rin kami at hindi na rin kami ngayon hinahabol ng mga kaibigan nating media man. Alam mo naman, Morly, ang pamilya namin, tahimik lang kami, ‘di ba?”
Sa kabilang banda, mas gusto ni Tita Glo na huwag nang bumalik pa sa Amerika. Ang hirap kasi ng buhay du’n, wala akong yaya. Wala akong driver. Hindi tulad dito sa Pilipinas na may kasambahay ako,” natatawang sabi pa ng aming kausap.
Sa pakikipagkuwentuhan pa rin namin kay Tita Glo, aming napag-alamang balak nang bumalik ng Pilipinas ni Matt Ranillo III. “Mas gusto kasi niya ang mag-artista. Sa lahat ng anak ko, passion niya talaga ang umarte, kaya parang hindi tuloy makatagal din sa Amerika dahil nasanay nga siyang mag-artista.
BLIND ITEM: Sino kaya itong youngstar na hindi pa nga sikat ay may attitude problem na?
Nalungkot kami sa mga balitang nakarating sa amin tungkol sa youngstar na ito dahil lumaki na raw ang ulo nito at feeling sikat. Dumarating daw ito sa set ng isang programa na animo ay isang donya. Late na nga kung dumating ay matutulog pa sa set.
“Juice ko, ‘day! alam na niyang late na siya, matutulog pa iyan bago magpa-make-up. kaya ang ending, nagkaka-letse- letse ang taping!” sabi ng aming source.
Bukod sa may attitude problem, masyadong dalahira pa rin daw ito, na ultimo mga bestfriend ay pinangangalandakan ang baho sa mga kaibigan.
“Ang plastik-plastik niya. Hay naku, ‘Day! Kapag kaharap ka, all praises siya sa iyo, pero kapag nakatalikod ka na, lahat ng paninira, sasabihin niya sa iyo. Ganyan ang babaeng ‘yan kaya walang tumatagal na kaibigan.
Ang bida sa ating blind item ay araw-araw nating napapanood sa panggabing programa ng isang kilalang TV Network. Tsuk!
More Luck
by Morly Alinio