GMA-7 ‘shoots down’ Marian Rivera-Heart Evangelista issue

BLIND ITEM: KUNG noon ay interesanteng paksa ang pag-usapan ang kanyang binatilyong anak, todo-iwas na ngayon ang mahusay na aktor na ito sa mga reporter na nagtatangkang usisain siya tungkol dito.

Matatandaang ganoon na lang ka-excited ang aktor when reunited with his son na umuwi galing sa ibang bansa.  Ang talagang pakay ng pagbabalik ng kanyang anak ay para tapusin ang kanyang pag-aaral, but like his showbiz parents ay naengganyo rin itong mag-artista.

For the most part of the young boy’s life, he had been exposed to a culture so different from ours, kaya siguro sa mura niyang edad ay libe-rated na siya.  Ito ang pinapalagan ng kanyang amang aktor, hindi na nga naman nito naaasikaso ang kanyang pag-aaral ay pangtsitsiks pa ang ina-atupag.  In fact, the young boy would often bring home girls, lots of them na sa kanyang kuwarto niya ineestima and God-knows-what.

Dito na raw nagsimulang magtalo madalas ang mag-ama, kaya sa halip na nasa poder ng aktor ang bagets ay tumutuloy ito ngayon sa kanyang tiyahin, nakababatang kapatid ng kanyang retired actress-mom.

Da who ang mag-amang ito? Uri ng salad ang fadir, samantalang rebolusyunaryo naman noong panahon ng mga Kastila ang anak.

THERE’S A DISTURBING peculiarity with the way TV networks play up in-house news items involving their stars.  Halimbawa na lang ang nagsusumigaw na teaser ng 24 Oras nitong Huwebes tungkol sa alitan sa pagitan nina Marian Rivera at Heart Evangelista, that even the production staff behind their movie attrested there exists an issue between the two of them.

24 Oras is GMA’s early evening news program under the station’s News and Public Affairs. Kung pinayagan ng istasyon na talakayin ang naturang isyu, then why couldn’t other programs tulad ng In The Limelight, a daily show on GMA News TV pero sakop ng Production (hindi ng news department)? Isn’t there an “umbrella policy” in GMA that governs both its news and production departments, na ang malayang iere ng 24 Oras o ng Saksi ay “binabaril” in showbiz-oriented shows?

Hindi ba’t mas dapat talakayin—without any restrictions—ng mga showbiz program ang mga ganitong isyu lalo’t sangkot mismo ang mga artista? Why such “curtailment,” worse, news blackout kung parehong panig naman nina Marian at Heart  ang ilalabas in the sanctimonious name of fair journalism?

Just asking…obvious ba sa mga question marks?

TAMPOK NGAYONG LUNES sa Face To Face ang dati (palang?) magdyo-wang sina Joey Marquez at Dolly Ann Carvajal as celebrity sawsawero’t sawsawera in the episode titled Pa-libhasa Lalaki, Nalingat Lang Ang Babaeng Kinakasama, Sa Ibang Bebot Na Umariba!

Diretsong tinanong ni Tyang Amy (Perez) si Joey kung totoo ngang may namagitang relasyon sa kanila ni Dolly Ann. Walang kagatul-gatol na inamin ni Joey na:  “Oo!” Pagmamalaking hirit naman ni Dolly Ann: “Pero nauna ako kay Kris (Aquino), ah!”

Nauna, but I suppose Dolly Ann did not contract STD. Anyway, nasa panig ni Dolly Ann ang mga babaeng nahumaling sa mga palikerong dyowa, habang ipinagtanggol naman ni Joey ang mga kapwa niya Adan na habulin ng mga babae. This episode culminates in Dolly Ann’s fearless revelations about Joey’s pambababae. Laglagan ito to the max!

Samantala, tunghayan bukas, Martes, ang kuwentong Bayad Sa Pahulugan, Paiyakan Ang Singilan… Hanggang Sa Palengke Nagsalpukan! Imbiyerna si Sonia kay Meme (isang beki) dahil siya ang nag-abono sa inutang nitong beauty products kaya nalugi raw siya. Isang eksperto ang inimbitahan ng Face To Face para mag-seminar tungkol sa nakaugalian nang pa-ngungutang ng ating mga kababayan.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 82 June 24 – 26, 2011
Next articleAga Muhlach says he’s not a robot to always follow orders!

No posts to display