Habang pinagpapawisan kami ng malapot sa napakaganda, kahit napakainit na location ng Zorro sa Bagac, Bataan, heto naman si Richard Gutierrez, animo’y fresh from the shower na haharap sa amin. With matching kiss pa and that hug na ewan kung bakit nakaaalis ng mahigit tatlong oras na pagod sa biyahe.
Kung nawawala mang saglit ang kanyang mom, si Annabelle, pagbalik ay nakahanda na ang bagong lutong pasit. Fresh din from the kalan ng caterer. Hindi namin malaman kung paano ginagampanan ni Annabelle ang pagiging manager ng mga talents niyang kasama sa cast ng Zorro habang inaalagaan ang apat, yes, apat na apo na kasama namin ng araw na iyon. Kahit with matching yayas din sina Llorin at Venice (Ruffa’s daughters) Aniza (Tonton Gutierrez’ daughter) and Dave (Rocky’s four year old son), hands-on pa rin siya sa mga ito.
“’Day, huwag mong paupuin sa bowl ang mga iyan. Hugasang mabuti, pagkatapos umihi. Pati paa sabunin, bago bumalik sa (aircon) bus,” utos niya sa mga naka-unipormeng yaya.
“Close ang mga apo kong iyan sa akin. ‘Yang si Dave, anak naman ni Rocky (panganay niyang lalaki) five times a week nasa bahay. Nu’ng una, Tagalog-speaking pa, dahil, nakatira sa teen-ager niyang mommy at lola. Ngayon, pa-Ingles-Ingles na rin. ‘Lola, I want to be an actor like my Dad.’ Palabas-labas din kasi sa pelikula at teleserye si Rocky. Tapos, makikita niya ang mga tito at tita niyang artista. Siyempre, gusto niyang gumaya.”
Sa totoo lang, hindi na siguro kailangan pang irekomenda ni Annabelle ang mga apo, dahil ngayon pa lang, tinatanong na siya kung kakayanin pa niyang i-manage ang mga ito, when the times come.
Star materials, no kidding. Pero, his only apo na lalaki (who is 4 years old), puwede nang pag-artistahin.
“Pero, hindi siguro papayag si Richard,” katuwiran ni Annabelle. Si Richard kasi ang nagpapaaral kay Dave. Nagprisinta siya agad, nang malaman kung saan-saan lang nag-aaral ang bata. Hindi na rin kailangan pang humingi ng tulong ni Rocky. Sa Ateneo de Manila ito ipina-enroll. And that’s the reason why, 5 times a week itong nasa kanila. “Sobra talaga sa bait si Richard, galante. Kung minsan, bibiruin ko lang na regaluhan naman niya ako ng bag, mag-aabot agad. Mga $650, ganu’n. Pero, sina Ruffa at Raymond, kuripot. Sasabihin pa, ang dami-dami mo nang bag, bibili ka na naman. Natatawa na lang ako,” patuloy niya.
Going back to Richard’s charm, he was also charmed by the place in Bagac. Kaya nga nakitulong na rin siya para makumbinsi ang may-ari na payagan silang mag-tape doon. “I won’t take credits sa pagpapayag nila, pero manghihinayang ako kung hindi siya papayag.
It’s not for business kasi na ginawa niya ang resort. It isn’t a joke to transfer old buildings into the place. He made it all possible. Binili pa nga niya ang bundok sa kabila ng dagat para mabuo ang view. Pati na nga dagat siguro.
“It was his passion talaga. Mas maganda pa nga ang sunset dito compared to Greece.”
Look what happend to the ratings of GMA-7 dahil sa Zorro.
Isang GMA-7 insider ang bumulong sa atin na tumaas ang mga show nila the first week Zorro was shown. Naging “poste“ si Richard ng GMA shows. “Natalbugan namin sa rating ang lahat ng shows sa kabilang istasyon.”
BULL Chit!
by Chit Ramos