GMA Memoirs

NAPABALITA NA bukod sa pagmumuni-muni, pinagkakaabalahan ni dating Pangulo GMA sa loob ng Vete-rans Memorial Hospital ay pagsusulat ng kanyang memoirs.

Agad-agad ang sagot ni Pangulong P-Noy nu’ng tanungin siya rito! Wala akong panahong magbasa ng kanyang memoirs. Sa dami ng suliraning iniwan niya, kulang ang 24 oras araw-araw para lutasin mga ‘yan.

Kill-joy naman si Pangulo. Sana’y bigyan ng konting pansin ang memoirs. Malay natin baka makapulot siya ng ilang mga aral sa lalong maiging pagpapatakbo ng pamahalaan.

Ano kayang titulo ng memoirs. Ay, ayaw kong pa-kinggan ang mga salbaheng alaskador. How to Fight Graft and Corruption, Why I Should Be the Icon of Good Governance, etc. Kayo naman. Nakakulong na nga ang tao, inyo pang inaalaska. Charity.

Kahabag-habag ang hitsura ni GMA nu’ng kanyang arraignment  sa kaso ng ZTE scandal sa Sandiganbayan. Ang dating mga pangil ng tigre ay nagmistulang maamong kordero. Ibinida pa sa mga reports ang kanyang bagong sakit – shingles. O, ‘wag kayong masyadong lalapit sa akin. Baka kayo mahawa.

Ang gulong nga naman ng palad. Gumugulong pababa, pataas, pataas hanggang ‘di na umalis pababa. Ito ang kinalalagyan ng dating Pangulo ngayon. Kahabag-habag.

SAMUT-SAMOT

 

DIVINE INTERVENTION ang pagka-palpak ng launching ng North Korea rocket kamakailan. Biro mo’ng magiging pinsala nito sa kalapit-bansa – kasama na ang ‘Pinas – sa mga debris nito. Panahon na ang international community ay ikondena sa pamamagitan ng economic boycott ang nasabing bansa. Mantakin natin kung naging matagumpay ang rocket launching. Delikado pati U.S. at Europe. Magpanata tayo lagi sa intervention ng Mama Mary.

MATUNOG ANG balitang si Willie Revillame ay tatakbo as party-list candidate sa 2013 election sa ilalim ng “I will serve” party-list. Of course, pinabulaanan niya ito. Napakaaga pa para sa pulitika. Payong kapatid kay Willie: ‘Wag kang pumatol sa pulitika. Napakagulong mundo. Diyan ka na lang sa showbiz. Marami ka pang matutulungan. Kaugnay nito, may balitang tatakbo namang gobernador si Manny Pacquiao. Ano ba ‘yan? Sa loob ng tatlong taon, mahigit ‘atang 3 buwan lang siyang nakadalo ng sesyon. Top absentee dahil sa training at boxing matches. Aksayado ang taxpayers money. Payong kapatid: Diyan ka na lang sa boxing. Ang dami mo namang sinasawsawan. ‘Di na matutuwa ang publiko sa iyo.

MONSEES, A French café and bakery and watering hole ng upscale households sa Green Meadows, Q.C. Terrific and kanilang pasta, French roll at reasonable prices. Ambience is excellent complemented by a wide parking space. Kabilang sa mga prominent habitués ay si Reggie Aspiras, Kitchen Rescue Inquirer column fame. The coffeeshop is a venture of Atty. Charles Escolin at Atty. Marina Demetrio. Try it.

NAKARAANG MGA linggo, mala-purgatoryo ang init. Tatlong air-con ko sa bahay ang conked-out. Resulta rin ito ng climate change. Nababaliw na ang kalikasan dala ng kapabayaan natin. Tag-araw, tag-baha. Malupit na. Ganyan ang kuwento ng buhay. Puro pakikibaka. Talagang kailangang mapagtiis at matibay ang loob.

NAPABALITA NA higit 25 milyon sa buong mundo ang biktima ng dementia. Ang sakit ay sakit ng pagkalimot dala ng pagtanda at iba pang delibitating na karamdaman. Gamot ay active at positive mind – coupled with lots of exercise. Kaugnay rito, ipinahayag ng ilang Fil-Chinese billionaires ang sikreto ng kanilang physical fitness at good health. Treadmill ako araw-araw, chicken and vegetables only at medical check-up. Ito ang wika ni billionaire Lucio Tan. Ayon naman kay Ramon Ang ng SMC: physical exercise, positive mental attitude at work, work and work. Sabi ni billionaire William Gatchalian, otherwise known as “plastic king”: “golf thrice a week, diet and regular medical check-up.” Billionaire Serafin Cuevas: “physical fitness at of course, trabaho. One should not stop working.”

TANDA NINYO si Kaban, ang bayaning aso na nag-ligtas sa dalawang bata sa Zamboanga City noong nakaraang Disyembre? Nanganak ng 7 malulusog na puppies. Si Kaban ay isa nang world celebrity. Isang grupo ng pet lovers ang magpapa-opera sa kanyang nasirang mukha abroad. Bow, Kaban!

BUWAN-BUWAN, MALALAPIT na kaibigan ang pumapanaw. Si Carding Pasco, 68, ay aking kababata sa Ilaya, San Pablo City. Biktima ng kidney ailment. May 2 dekada kaming ‘di nagkita. Masayang alaala ng aming kabataan: paliligo ‘pag tag-araw sa Sampaloc Lake, harana sa dalagang taga-Maynila, Santacruzan at iba pang ‘di maibabalik na alaala ng pagkakaibigan. Malungkot. Kahapon, nakatanggap ako ng text tungkol sa pagyao ni Dante Dira, 65, dati kong ka-empleyado sa Unilab. Biktima ng lung cancer. Tulad ni Carding, malapit siya sa aking puso. May the perpetual light of Eternal Life shine upon them.

AKSYON, ANG public service program ng DZMM ng ABS-CBN, ay maraming natutulungan sa malaking hanay ng dukha at inaapi. Ito’y hosted ni Kaye Dacer at Julius Babao. ‘Pag may valid na complaint ka sa opisyal ng pamahalaan o ng nawawalang anak o kamag-anak, aksyon sila agad. Ganitong programa ang dapat lumaganap pa sa ibang networks. ‘Di ‘yong intriga at kabaklaan.

LAGANAP ANG kidnapan ng mga batang naglalaro sa kalye. Sa Bulacan at Quezon City kamakailan, apat na bata ang naging biktima. Isang sindikato ang nasa likod ng krimen. Ang mga bata ay pinagpapalimos. Kaugnay nito, sino – at bakit hindi mahuli – ang sindikato na nasa likod ng mga may kapansanang pulubi nagpapalimos sa lansangan? Matagal ko nang pinagsisigawan ang malubhang krimeng ito. Anong ginagawa ng DSWD at law enforcers? ‘Di ba may batas laban sa begging? Bakit ‘di ipatupad at hulihin ang sindikato!

KALKAL DITO, kalkal doon. Pagkatapos iiwanang nakatiwangwang. ‘Yan ang state of disrepair ng maraming lansangan sa Kamaynilaan. Kasalanan ito ng DPWH. Walang long-range plan sa road blocking. Nu’ng nagbukas ang klase at bumuhos ang ulan, super-monstrous traffic ang bumulaga.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleSpy Plane, Ugat ng Giyera; at Cubao Chair, Swak sa Sugal
Next articleNo Pay, No Release Policy!

No posts to display