GMA Network’s Grand Kapuso Day

2 Grand Kapuso Day 3 Grand Kapuso Day 1 Grand Kapuso DayMAKULAY ANG ginanap na Grand Kapuso Day noong nakaraang Linggo, July 26, 2015 sa SM Mall of Asia Arena. Simula umaga pa lamang ay puno na ng maraming naghihintay na mga fans na excited na makisaya sa 65th anniversary ng nasabing istasyon. May pitong sorpresa sa event na kinabibilangan ng interactive booths, photo booth, giveaway booths na handog ng kanilang mga sponsors. Habang abala naman ang lahat, dumarating naman sa booths ang ilang personality ng mga shows ng istasyon kung kaya’t walang tigil ang paghiyaw at pagsigaw ng mga fans.

Sa ganap na ika-2:00 ng hapon ay sinimulan ng haligi ng news and current affairs na sina Mel Tiangco, Jessica Soho, Arnold Clavio, Vicky Morales, at Howie Severino ang pagbubukas ng programa. Kasunod nito ay ang presentasyon at pagpapakilala sa mga primetime at non-primetime shows kasunod ng ilang mga production numbers. Sa pagitan ng bawat performances, nagkaroon ng raffle ng tig-P7,000 at smart phone sa bawat ticket number na electronically raffled. Napa-highlight din ang sponsor’s games. Kapansin-pansin na ang Grand Kapuso Day ay ang inilaan ng lahat ng GMA talents and artists upang personal na makapagpasalamat sa mga tagatangkilik ng kanilang mga palabas. Mula sa mga kilalang artista ng GMA na sina Marian Rivera, Ai-ai delas Alas, Dingdong Dantes, Alden Richards, Jennylyn Mercado, Rhian Ramos, at iba pa, inilunsad din nila ang mga baguhang artista na dapat abangan.

Sa lahat ng nag-perform, tila nakuha ni Alden Richards ang paghanga ng marami sa mga fans. Walang patid ang hiyawan ng mga fans sa kanyang Twerk It Like Miley production number. Isa pang inabangan ng mga fans ay ang pagtatampok ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na walang takot na umindak at nakipag-showdown pa sa isang fan sa kabila ng kanyang pagbubuntis. Naroon rin kasi siya upang makasama ni Ai-ai delas Alas sa pagpapakilla sa kanilang bagong show na “Sunday Pinasaya” kasama sina Alden Richards at Julie Anne San Jose. Lubos namang na-enjoy ng lahat ang kuwelang Comedy Queen Ai-ai delas Alas dahil sa kanyang mga stunning costumes at abrupt comedy. Sa linya naman ng singers, ‘di nagpahuli ang mga biriterang sina Aicelle Santos, Jonalyn Viray, at Maricris Garcia na sinamahan pa ni Frencheska Farr at Kris Lawrence sa kanilang tila maka-Aegis Pa More na number.

Nakapagpakilig naman nang husto sa fans ang mga sweetness ng mga Kapuso loveteams tulad ng balik-tambalang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, young pairs na sina Bea Binene at Derrick Monasterio, Ruru Madrid at Gabbi Garcia, Bianca Umali at Miguel Tanfelix, at marami pang iba. Energetic naman ang mga cast ng long-time running soap ng GMA 7 na sina Barbie Forteza, Andre Paras kasama ang ‘Healing Hearts’ cast na sina Joyce Ching at Kristofer Martin. Samantala, ipinakilala na rin ng GMA ang mga bagong primetime shows tulad ng Beautiful Strangers, Buena Familia, Marimar, at marami pang iba. Mahaba naman ngunit malaman at makabagbag damdamin ang pasasalamat ng Master Showman German Moreno sa ilang dekada niyang pananatili sa GMA, na bagama’t hirap magsalita at maglakad dahil sa nakaraan niyang pagkakasakit ay ginawa pa rin ang makakaya upang pasalamatan ang mga tao at ang istasyon.

Gayunpaman, represented din ang mga news and current affairs program ng GMA na siyang pundasyon ng istasyon dahil sa mahuhusay nitong mga broadcast journalists. Nangunguna na rito ang kanilang news program na 24 Oras, Saksi, State of the Nation with Jessica Soho, Unang Hirit, at marami pang iba.

Sa buong araw na saya at ligaya, ang pagtatanghal at handog ng GMA ay naging isang tagumpay.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: [email protected], cel. no. 09301457621.

Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia

Previous articleBukambibig 07/31/15
Next articleTribal Costume ng ‘Pinas? Eh, ‘Di Wow na Wow!

No posts to display