TRENDING sa social media a few days ago ang ‘Gonzaga Sisters’. Normally, kung trending ang pangalan ng sikat na magkapatid ay related ito sa kanilang showbiz project o ‘di kaya naman sa kanilang video channels.
Pagkapindot namin sa trending topic ay nalula kami dahil sa usaping politics pala related ang pagiging hot ng magkapatid at sa katunayan, mostly ay negative ang nabasa namin dahil tila dismayado ang mga fans nina Alex lalo na ni Toni sa pagiging present nila sa isang pagtitipon para sa mga loyal supporters ni President Duterte.
Ayon sa Twitter user na si @RamonGinoChanJ1, “Yung Gonzaga sisters OA maka-chika about kay God, religion, marriage before sex, and many other self righteous sh*t tapos supporter ni Duterte na pro death penalty and actual na pumapatay through war on drugs. BASURA”
Sey naman ni @alwayswithrafa : ” Unsubscribed from the Gonzaga sisters weeks back. I hope a lot more people do soon. They don’t deserve to have that amount of influence on other people. Marcos apologist, Duterte supporting hypocrites. Christians kuno pero walang regard sa human rights. “
Kung may kontra sa Gonzaga Sisters, meron din naman dumidepensa sa dalawa tulad ni @imalissaibarra: “Cancelledt daw ang Gonzaga sisters? Talentless? Just because they support Duterte and it is against sa political stand mo?!Please think about things in a reasonable or sensible way. Let’s not be stupid and senseless.. “
Well, hindi naman na bago sa showbiz ang pagkakaroon ng celebrity endorsers ng mga politicians lalo na if the price is right. Sa katunayan, ngayon lang naman mas nagiging maingay ang pagkadismayado ng mga fans dahil nagiging bokal sila sa social media.
Will this affect the career of the Gonzaga Sisters?