ISA NA TALAGA si John Lloyd Cruz sa mga most bankable actors, hindi lang sa bakuran ng Dos, kundi sa buong industriya ng showbiz. Boy-next-door ang imaheng tumatak kay John Lloyd, lalo na’t sumikat siya sa show na Tabing Ilog. Nag-mature ang mga roles ni JLC sa pagtampok sa mga pelikulang bigatin sa drama tulad ng Dubai at In My Life. Hindi lang sa acting roles nag-mature ang aktor, kundi pati na rin sa personal life niya. Na-link siya kay Ruffa Gutierrez, isa sa mga pinaka-controversial na personality sa showbiz. Na-involve din siya sa hiwalayang Shaina Magdayao at John Prats.
Winawasak na ba talaga ni JLC ang boy-next-door at pa-cute niyang image sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya ngayon? Hmm… tingnan nga natin kung kani-kanino na-link ang rumored babaero na ito!
By Faith Salazar
Parazzi Wires Photos
Parazzi Chikka
Parazzi News Service