GOODBYE, GMAAC: Kris Bernal, Cornerstone talent na

TULUYAN nang umalis sa GMA Artists Center si Kris Bernal. Ito mismo ang kinumpirma ng magaling na aktres sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.

Ilang buwan din naghintay si Kris na muli siyang papirmahin ng management contract ng kanyang original home networ, pero hindi na ito binalikan kahit pa naging aktibo naman ito sa kanyang mga TV guestings sa istasyon. Nag-umpisa ang haka-haka na mukhang bukas na si Kris sa paglipat ng management company nang maging vocal ito sa kanyang vlog na siya ay isa nang freelancer at naghahanap ito ng manager na may same vision as hers. Kumbaga, she wants more growth and she deserves it.

Kris Bernal

Recently ay naging visible ang aktres sa TV5 sa pamamagitan ng pag-guesting sa Chika Besh, Lunch Out Loud (LOL) at Sunday Noontime Live (SNL), kung saan mukhang magiging isa na rin siya sa mainstay hosts.

Narito ang pahayag ni Kris Bernal sa kanyang Instagram account:

“Looking for a new manager was one of the longest processes that I had to go through and the toughest decision as well. It wasn’t easy for me because I need someone who has the same vision and goals as mine, someone whom I’ll be comfortable to work with, and someone whom I can trust to provide me with projects.

“I am happy and proud to announce that I am now part of the Cornerstone Entertainment Inc., @cornerstone, family headed by Mr. @visionerickson and Mr. @jeffvadillo. I believe I made the right choice and I am really happy with it.

‘Ate ng Ate Ko’ lead stars Joem Bascon, Kris Bernal, Jake Cuenca and Isabelle de Leon

Hindi rin naman niya kinalimutan ang kanyang original home network: “Being with GMA Artist Center for 13 years, I am really grateful and will forever look back at my journey with them. I wouldn’t be where I am now without them. And, after all this and everything, I still consider myself a talent of my home network, GMA Network, despite being a freelancer. ❤️ I’ll always be a ‘Kapuso’ wherever I go, wherever God leads me. ?”

Last week ay ipinalabas na ang kanyang bagong pinagbibidahang serye na ‘Ate ng Ate Ko’ kung saan kasama niya sina Isabelle de Leon, Jake Cuenca at Joem Bascon. Ayon sa mga nakanood, maganda ang tema ng programa at dekalidad din ang pagkagawa.

Previous articleThings You Didn’t Know About Derek Ramsay
Next articleDennis Padilla: ‘Ako pa ba ang babastos sa LGBTQ, eh, yung daughter ko, asawa babae’

No posts to display