SI JUDY ANN SANTOS ang original at nag-iisang “Teleserye Queen”. Walang katapat. Walang pwede pumalit as of the moment.
Pinatunayan ito ng aktres na tuwing magda-drama series siya sa Kapamilya Network, asahan mo na mataas ang ratings ng show niya. Consistent na sin Juday lang talaga ang may kakayahan.
Sa kanyang muling pagbabalik-teleserye matapos mag-concentrate sa pagiging mommy ng mga anak niya at misis kay Ryan Agoncillo last October 2019 via Starla, ang taas sa rating games ng teleserye na tumatalakay sa isang magic alitaptap na tumutupad ng wish sa hihiling.
Sabi ng mga intrigero’t intrigera na walang tiwala sa aktres na kaya magwawakas na ang palabas ngayong gabi, Friday, January 10 ang Starla ay dahil daw mahina sa rating kaya nag-shortcut na ang Dreamscape Entertainment para mairaos na lang at matapos na.
Sa kaalaman ng marami, alam ni Juday na short-lived lang ang kanyang serye. Hindi tulad ng ibang drama series na kapag gusto ng manonood at maganda ang feedback, ini-extend ito ng mga tao sa likod ng produksyon.
With Starla, alam ng mga artista kung kailan sila magtatapos at kung ano ang ending ng palabas. No extension ika nga.
Not for Juday’s Starla together with Joel Torre, Raymart Santiago, Enzo Pelojero (Buboy), Jana Agoncillo (Starla), Meryll Soriano at Joem Bascon.
One season lang talaga ang teleserye. No extension kaya mali ang akala ng karamihan na sinibak ang show.
Paniwala ni Juday na hindi kailangan mahaba ang isang drama series: “Napapagod na ‘nung mga tao sa sobrang mahahabang teleserye. ‘Di ba, ‘pag highlight na, tapos in-extend, bababa, bababa, tapos mahirap na siyang iakyat ulit — which nangyari rin sa akin a lot of times,” kuwento ng aktres during the finale media conference.
Dagdag niya: “Pag-present pa lang sa akin, buo na ‘yung istorya, may ending na talaga siya. Hindi siya cliffhanger na, ‘Bahala na, titingnan natin kung ano ‘yung magiging gusto ng mga tao,” sabi niya.
Ngayon na alam n’yo na ang dahilan kung bakit maikli lang ang buhay ng Starla dahil yun talaga ang dahilan at wala nang iba pa.