GOODBYE NA SA ERE: Angel Locsin nagpasalamat sa mga sumuporta sa ‘Iba ‘Yan’

TULUYAN NANG namaalam sa ere ang programa ng Kapamilya Channel na ‘Iba ‘Yan‘ na pinangunahan ni Angel Locsin.

Nag-umpisang umere ang ‘Iba ‘Yan’ noong June 2020 na may layunin na kilalanin ang mga everyday heroes ng ating bansa sa kasagsagan ng pandemya. Naging instrumento rin ang programa para makapag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.

Angel Locsin hosts ‘Iba ‘Yan!’

Alam naman ng lahat ng taga-showbiz na kahit noon pa man ay nasa puso na ni Angel Locsin a.k.a. real-life Darna ang pagtulong kaya naman hindi nakapagtataka na naging emosyonal ito sa kanyang farewell post sa Instagram.

“Nabuo po ang ibaYan sa kasagsagan ng pandemya at sa panahon na iilan lang po ang mga programa na tumatakbo sa buong bansa.

May takot man, ngunit dama po namin na kailangan ng programang makakapagbigay pugay sa maraming Pilipinong bayani sa kanilang paraan. Mga ordinaryong tao na may kakaibang puso na ninanais na makatulong sa kapwa o kapaligiran, kahit na nasa panahon tayo na maging sila ay nangangailangan rin o hirap.

Maraming salamat po sa napakaraming mga aral na natutunan ko sa ating mga kuwentuhan. Ang kagustuhan ninyo pong makatulong at pagbibigay inspirasyon ang dahilan po at kung bakit nabuo at nasimulan ang ibaYan.

Maliit lang po ang aming programa at sana sa aming munting paraan, naibahagi po namin ang mga kwentong puno ng inspirasyon.

Maraming salamat po sa pagkakataon Tita Cory, Direk Lauren, Sir Carlo, Sir Reily, Sir Raymond, Ms. Merce.

Angel Locsin

Sa napakagaling na creative team, researchers, writers, prod staff, at sa lahat ng bumubuo ng ibaYan, isang karangalan na makasama kayo. Salamat sa genuine na malasakit sa kapwa.

Sa aking fiancè at direktor ng aming programa, @neil_arce, ipinagmamalaki kita! Great job ❤️

Sa ating mga kababayan, maraming salamat po sa inspirasyon at sa pagpapatuloy po sa aming programa sa inyong tahanan ng isang taon. Mami-miss kong basahin ang mga komento ninyo tungkol sa ibayan.

Ngayong araw man po ang huling episode, ituloy pa rin po natin ang bayanihan spirit.

Sa huling pagkakataon, samahan ninyo po kami sa #ibaYan mamaya at ibida ang mga bayani natin :)

Hangang sa muli” pagtatapos nito.

Previous articleVLOG WATCH: Unang silip sa ’69+1′ Bubble Taping ni Maui Taylor
Next articleKPOP Album Review: Your Choice by Seventeen

No posts to display