NAPAKASAYA ng real life couple na sina Kim Chiu at Xian Lim na pagkatapos ng halos walong taon ay muli silang nagkasama sa pelikulang Always ng Viva Films mula sa direksyon ni Dado Lumibao. Ang Always ay Pinoy adaptation ng hit Korea movie with the same title.
“Para sa amin ni Kim, ang tagal na rin kasi na… yon nga po 7 to 8 years na hindi kami nakakagawa ng pelikula and it feels nakakapanibago. Nung una nga kaming nagkasama ni Kim in front of the camera parang nagkaroon pa ng konting pagkakahiyaan pa nga in a way kasi parang..
“Sa totoo lang, iba talaga yung environment ng paggawa ng pelikula, So parang, paano ba Kim?’ pero sige, wait lang let’s take a steps back again and try to figure this our and the feeling of just being back and working with Kim again on the big screen is such a joy,” kuwento ni Xian sa ginanap mediacon ng Always.
“Ako naman, yon nga very thankful and this is my movie din under Viva Films and finally napayagan akong gumawa outside sa ABS-CBN and then nabigyan ako ng Korean adaptation movie and then with Xian pa, so parang him as a director now na gina-guide niya rin ako.,” reaksyon nama dito ni Kim.
Magkahalong kaba at excitement naman ang nararamdaman ng magkasintahan na sa sinehan ipapalabas ang kanilang comeback movie.
Ani Kim, “At first, parang sabihin namin nang paulit-ulit na, ‘In cinemas nationwude’ parang nakaka-miss sabihin kasi ang tagal din na hindi nagkaroon ng movie sa sine and this is also one of the biggest challenges na haharapin namin ni Xian aside from our comeback is yung i-comeback namin yung mga tao na panoorin ang local movies sa sinehan.
“Sana this time maudyok namin yung mga tao na to go to the movies and watch our movie in the big screen.”
Hindi romcom kung hindi dramatic film ang pelikulang Always. Malayung-malayo daw ito sa mga romcom movies na ginawa nila noon sa Star Cinema.
“It feels different dahil yung mga emosyon na binibigay namin dito sa Always kasi drama po talaga siya. Coming from Bride For Rent, Bakit Di Ka Crush ng Crush Mo, then Past Tense, then now Always, it’s a huge jump na, ‘Wow… parang Kim, in front of film cameras nag-iiyakan tayo tayo ngayon.’ Tapos ang bigat ng pinagdadaanan ng bawat karakter namin,” sabi ni Xian.
“So, merong takot but at the same time yung takot na yon ang sarap i-channel lang doon sa mga characters namin dahil it’s something that we haven’t done before sa audience po namin at sa magiging audience po namin dito sa Alwaysl
“Kaya nga sinasabi namin na we’re so excited na sa big screen poi to ipapalabas dahil iba po yung pakiramdam, damang-dama po nila yung emosyon sa sinehan na dadalhin po namin dito,” paliwanag pa niya.
Saad naman ni Kim, “Ako naman po, yung mga fans na sumusuporta din sa amin, it’s our regalo din para sa kanila for being there na nakasuporta pa rin sa amin. And parang feeling ko tumanda kami sa mata nila and parang kasabay ng pelikulang ito parang tumanda din yung pelikula from bubbly to…
“Nakita naman natin sa mga past posters namin and now poster pa lang makikita mo na tumanda na rin , more mature, na parang we grow old together. So, di ba, parang tayo (sila ni Xian) and yung mga fans namin we grow old together from Bakit Di Ka Crush na sobrang iba, Bride For Rent na sobrang colorful and bright, and after eight years now we are here na colors pa lang ng picture ng poster iba na rin. Lumaki na tayo together, so sana dito ay maasahan namin ang suporta nila and then sana mas madagdagan pa yung mga taong magmamahal sa amin ni Xian.”
“Dagdag ko lang don sa sinabi ni Kim, nakakatuwang looking back from Bakit Di Ka Crushng Crush Mo, yung audience namin, couple of our supporters batang-bata pa lang – wala pag six years old Ngayon mga teenagers a sila, dalaga na sila, tapos nagugulat kami. Sabi nga ni Kim, we grew with our audience and our soon to be audience dito sa pelikulang ito. So it feels great na nakikita mo na after all these years we can still see them, a fans became family and it’s just a surreal experience na ma-unfold po yung relationship namin at ang pagkatao po namin sa harapan nila at ninyo at the same time,” sey naman ni Xian.
Ayon naman sa direktor ng Always na si Direk Dado, napanatili ng Pnoy version ang narrative ng pelikula pero dinagdagan daw niya ito ng mga nakakikilig at madramang eksena na siguradong mgugustuhan ng Pinoy audiene.
“Actually we are faithful doon s a flow ng narrative. Hangga’t maari parang ti-nry naming i-keep yung flow ng narrative nung Always na Koren version. Pero sa Filipino version, mas naglagay kami ng mas kilig and emotionally ano siya, mas dramatic siya towards the end. And I’d like to believe na mas yung sensibility nito talaga mas in-adapt namin sa Pinoy audience. I’d like to believe also that the characters of Xian and Kim here are more human, mas warm, mas mararamdaman natin yung pain and struggle nilang dalawa as the movie progresses,” paliwanag niya.
Mapapanood ang Always sa mga sinehan simula September 28, 2022.