TIME OUT MUNA sa showbiz commitments ang Kapamilya leading man na si John Lloyd Cruz.
Halos isang buwan nang pinag-uusapan sa internet si John Lloyd Cruz o kilala bilang Lloydie sa showbiz world. Nag-umpisa ito nang ma-involve siya sa Home Sweetie Home co-star na si Ellen Adarna.
Opisyal na nagpost ang kampo ng ABS-CBN tungkol sa ‘indefinite leave’ ng aktor:
“ABS-CBN and John Lloyd Cruz have agreed for him to take an indefinite leave of absence to attend to personal matters.
John Lloyd Cruz will be taking a break outside the country and will return to ABS-CBN after his leave of absence.” – Kane Errol Chua (Head, Integrated Corporate Communications
Lumabas ang naturang pahayag sa TV Patrol ngayong gabi..
Siguradong maraming fans si Lloydie na nalungkot sa balita, pero kami rito sa Pinoy Parazzi ay hoping na makabalik agad ang aktor sa pag-arte. Sarili muna bago showbiz.