Lahat ng mga natanguan niyang projects ay ginawa na niya ngayong 2019 including the comedy film And Ai Thank You at ang isa pang Regal Entertainment movie na D’ Ninang na next year pa ipapalabas.
“Lahat tinatapos ko na, kahit yung pang-Mother’s Day ko, tinatapos ko na ngayon. Pero magpo-promote pa rin ako no’n next year kasi patay ako kay Mother (Lily Monteverde) kapag hindi ako nag-promo,” kuwento niya.
Ibinahagi rin ng Comedy Queen ang balitang nakahanap na sila ng asawa niyang si Gerald Sibayan ng embryo para sa gagawing IVF o in-vitro fertilization procedure.
Aniya, “May embryo na kami, yehey! Dito sa Pilipinas gagawin yung IVF procedure.
“Kaya magbabakasyon talaga ako, hindi ko na iri-risk. Kailangang mag-bed rest talaga ako.”
Positibo si Ai-Ai sa kalalabasan ng kanyang IVF kaya hindi raw muna nila kino-consider ang magkaroon ng surrogate mother na katulad ng ginawa nina Korina Sanchez at Mar Roxas pati na rin ni Joel Cruz.
“Ita-try ko muna na ako, kapag hindi kaya, kapag hindi naging successful… but I hope, mabait ang Diyos. Alam ko na magiging successful. Saka lang ako magre-resort sa surrogacy.
“Healthy naman ako, eh, super healthy. Alam ko na kakayanin ko,” positibo pa niyang pananaw.
Isa si Ai-Ai (together with Lani Misalucha and Christian Bautista) sa judge ng GMA-7’s singing contest na The Clash. Dahil wala na si Regine sa Kapuso Network ay sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose ang naatasang mag-host ng programa.
La Boka
by Leo Bukas