‘PAG MATAGAL na kayong mag-kaibigan at ma-rami na kayong mga napagdaanan sa buhay, hindi madaling matibag ang pundasyon ng pagkakaibigan n’yo kahit ano pang intriga ang mamamagitan sa inyo. Perfect example nito ang naisulat namin dito sa aming kolum noong Lunes, tungkol sa pag-resign ni Jobert Sucaldito bilang publicist ng actor at Laguna Governor ER Ejercito.
Ayan ha, all’s well that ends well na nga ang drama ng dalawa. Nitong Linggo nangyari ang pag-uusap ng magkabilang kampo. Malaki ang papel na ginampanan bilang mediator ng mga kapatid sa panulat na sina Ernie Enrile at Richard Pinlac at nang mismong asawa ni Gov. na si Pagsanjan Mayor Maita Sanchez.
Ayon pa kay ER, may pinagdaraanan lang daw sa buhay pag-ibig si Jo-bert kaya siguro ganu’n daw ang nangyari. Pabiro ang pahayag ni Gov. at tinawanan naman ito ni Jobert.
Marami ang natuwa sa balitang okay na ulit sila dahil alam namin na marami na silang bagyong pinagdaanan bilang magkaibigan.
NAKAKALOKA HA, as in, nakuha ng Wonder Gays ang tatlong trophy sa novelty category nitong nakaraang Star Awards for Music. As in, wagi ang mga pa-mhin (pa-mhin daw oh) sa kategoryang Novelty Album, Novelty Song Of The Year, at Novelty Artist of The Year.
Feeling namin, walang masama kung makakuha man sila ng awards dahil kilala naman namin ang mga miyembro ng Wonder Gays at nagsikap naman talaga sila sa promo ng kanilang album. At happy kami sa kanila dahil ilang beses na rin naming nai-guest ang mga ito sa radio.
Well, congrats mga beki at pagbutihin n’yo pa ang inyong pagkanta. Pak!
NAKAKATUWA DAHIL ang isang baguhan pagdating sa hosting na si Divine Lee ay hindi talaga namin nakitaan ng kaartehan.
Lagi naming nakakasama si Divine dahil kami minsan ang naka-toka sa kanya para sa Ang Latest at on-time lagi ang reyna ng mga beki sa kanyang calltime, hindi lang on-time ha, as in, made up na siya at mag-i-interview na lang pagdating sa mga location ng shoots namin.
Say nga nito, ginusto raw kasi niya ang mag-fieldwork kaya paninindigan niya ito at dahil na rin sa tiwala ng TV5 kaya ayaw raw niyang masira ang opportunity na ipinagkaloob sa kanya.
Keep it up, Divine!
Sure na ‘to
By Arniel Serato