KUNG ALAM mo na naglilingkod naman ang punong panlalawigan mo, malamang sa hindi, aayawan mo at magre-react ka sa ipinalabas na balita ng COMELEC last week tungkol sa pagpapatalsik kay Laguna Gov. ER Ejercito sa puwesto.
May reaction kasi kaagad ang mga taga-Laguna na nai-email sa amin last Saturday evening nang lumabas ang balita.
Hindi gusto ng mga taga-Laguna ang news sa telebisyon at dyaryo.
Granting na may discrepancy sa nai-file na SOCE (Statement of Contributions and Expenditures) sa nakaraang eleksyon noong May, at may kung kakulangan sa mga papeles na naisumite si Gov. ER, bakit nauuna pa ang publicity kaysa sa pakikipag-usap o i-follow up sa opisina niya ang mga important documents na kailangan ng COMELEC?
Sabi ng isang taga-Laguna sa amin, “Dirty tactics na naman ito ng mga kalaban.” Ngayon pa na may pelikula si Gov. ER na Shoot to Kill: Boy Golden, hindi maiiwasan na naiintriga si Gov. ER.
Dagdag pa nito sa kanyang sentimyento, “‘Di ba si Kris Aquino at Bimby may pelikula na makakalaban ng pelikula ni Gov. ER, na kapatid at pamangkin ni Pnoy? Hindi kaya black propaganda na naman ito kay Governor? Bakit isinasabay pa?”
Bukod kay Gov. ER, si Batangas Gov. ay sangkot din sa COMELEC issue na ito.
Reyted K
By RK VillaCorta