NAGULAT KAMI sa naging resulta sa nakaraang MMFF. Graded A ang pelikulang Shoot to Kill: Boy Golden ni Gov. ER Ejercito ng Cinema Evaluation Board (CEB) pero kahit isang major award sa technical at creative category, dinedma ng jurors.
Maging ang mga review ng mga independent film reviewer (na hindi dumadalo sa mga presscon at tumatanggap ng sobre at kusang nagbayad ng P220 para makapanood ng MMFF entry), isa sa mga pelikulang recommended nila ay ang pelikula ni Gov. ER. Sayang ang pelikula kung panghihinayangan ko ang MMFF Awards.
Pero ilang beses na rin bang sumablay ang MMFF na ito na imbes ang traffic ng Metro Manila at ang pagbaha sa mga estero ng buong Kamaynilaan ang dapat pagdiskitahan (sila ang namamahala niyan), ang showbiz events na ito ang kanilang pinagkakaabalahan.
Anyway, tapos na ang hokus-pokus o ng jurors na natutulog during the review of the film entries para mapansin ang mga pelikulang may karapatang bigyang-pansin (imagine, My Little Bossings na hinirang na 3rd Best Picture), everyone should move on na.
Makikita na lang natin kung sino ang mga pelikula ang dapat bigyan ng award sa darating na award-giving season. ‘Andyan ang Star Awards, Golden Screen, Luna Awards, FAMAS, etc.
Reyted K
By RK VillaCorta