DAHIL SA kanyang pangako kay The King Fernando Poe Jr. na kahit minsan sa isang taon ay gumawa siya ng pelikula para matulungan ang mga malilit na trabahado r sa movie industry, sinisikap ni Laguna Gov. ER Ejercito na makagawa ng kahit isa kada taon na nasimulan na niya sa pagsasapelikula ng Asiong Salonga at El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story.
This year, tulad ng kanyang pangako, kahit hirap siya sa shooting schedule, nairaos ni Gov. ER for 45 working days ang pelikulang Shoot to Kill: Boy Golden, kung saan sa galing ni Direk Chito Roño, malamang ma-nominate na naman si Gov. ER as Best Actor kung walang mamumulitika sa pelikula niya.
Maging ang leading lady niya na si KC Concepcion na first time gagawa ng action film, naniniwala si governor na makukuha nito ang Best Actress award. “Kung hindi niya makuha, malamang, nadaya si KC,” paniwala niya.
Maging si Direk Chito, bilib sa disiplina na ipinakita ni Gov. ER lalo na ng kanyang female lead dahil sa pagiging fragile ni KC, nagawa nito ang delikadong action stunts na mala-Angelina Jolie sa pelikulang Lara Croft, kung saan bukod sa pakikipagbarilan; may mga eksena ang aktres na makikipaghabulan sa ibabaw ng bubungan na palundag-lundag sa tulong ng Thai stunt director nila.
Knowing Direk Chito, expect something new sa obra niyang ito na palagi naman, kapag may pelikula siya, may bago tayong nakikita.
By the way, si Gov. ER tulad ng kanyang pangako kay FPJ na tutulungan ang mga maliliit na trabahador sa movie industry ay gagawa next year ng pelikulang pambata tungkol kay Mariang Makiling at Pedro Penduko na sisimulan niya by March 2014.
Sa Lunes, December 23, premiere night ng pelikula ni Gov. ER sa MOA at ang regular showing ng pelikula ay sa araw ng Pasko.
Reyted K
By RK VillaCorta