BAGO IKINASAL noong 1992, seven years na naging mag-boyfriend sina Batangas Governor Vilma Santos at Senator Ralph Recto. Pero na-prove lang daw ng Star For All Seasons na mahal niya ito nang unang tumakbo bilang Congressman sa Batangas.
Pagbabalik-tanaw ni Governor Vi, “Aba’y Vilma Santos po ako, e. Boyfriend ko pa lang naman siya, hindi ko pa siya asawa. Pero I campaigned for him. To the point na after my Vilma! show, kailangang pumunta pa ako ng Batangas to campaign for him. Nahihilo-hilo na ako. Naiinis ako sa kanya. Nag-aaway kami. Sabi ko, nama-migrain ako, hindi ko kayang mangampanya ngayon. Pagod na ako. Pero sabi niya… I need you. Ang mga tao, hihintayin ka. Umiiyak na ako.
“Pero no’ng one time, nag-usap kami sa toilet… sa toilet pa!” tawa na naman niya. “Maraming tao, e. Sinabi niya, kung hindi mo kaya, hindi kita pipilitin. Sabi niya sa akin… alam ko kailangan kita ngayon. Pero kahit papa’no, I’ve proven myself to you. Sabi niya… if you cannot go there to campaign, it’s okay. Ako na lang ang bahalang humarap.
“Tapos sabi niya… but win or lose, we will get married 1992 after this. I went. I campaigned for him kasi naramdaman ko naman… ako ang hahakot ng tao. Makalilibre siya sa tao kasi, e. Menos sa gastos niya ‘yon, e. Pero kapag nagsalita na siya, pinakikinggan siya ng tao. At hindi ako mapapahiya kasi ‘yong ikinakampanya ko, alam kung merong kayang ibigay sa inyo.”
Ni minsan ba, hindi siya kinaliwa ni Senator Ralph?
“Meron din siguro! Ang usapan kasi namin… sabihin mo na sa akin diretso, kesa malalaman ko sa iba. Kasi ang malas niya, napangasawa niya ako na nasa entertainmeht world. Kahit saan siya magtago, kilala ako… matsi-tsismis siya. Kasi kilala ako, e. Sorry ka na lang. Kaya sabi ko, kung may gagawin ka at mahuli kita, aminin mo na. Kesa madinig ko pa sa iba. Baka mas mapapatawad kita.
“There was one time, umamin. O, e ‘di pinatawad ko. Tinanong ko… totoo ba itong ganyan-ganyan? Sabi niya… totoo. O, sige! Next time be careful. Nag-sorry naman siya. Umiyak nga, e.” tawa ulit ng aktres. “Pero inamin niya kaya napatawad ko. Anyway we’ve been together for seven years. And the we’ve been married since 1992. Gano’n na katagal kaming magkasama. Inspite and despite of.”
How is Senator Ralph’s relationship with Lucky?
“Lucky was 4 years old when he met his Tito Ralph. Ang magandang respeto kasing ibinigay ni Ralph sa kanya… I’m your Tito, I’m not your dad. So, in any decisions na gagawin mo, you want to tell me, pero ang huli mong konsultasyon ay sa daddy mo pa rin. Kasi in fairness to Edu, hanggang maka-graduate si Lucky… si Edu ang nagpaaral kay Lucky.”
With Ryan Christian naman?
“‘Yan ang kung maghihiwalay kami ni Ralph, hindi dahil sa babae. Maghihiwalay kami dahil kay Ryan,” tawa na naman ni Governor Vi.
“Nagagalit po ako kasi sobra ‘yong pag-ano niya… pagiging tatay. Kasi iisa lang si Ryan kaya lahat ng sports, gusto niyang ipagawa. Na nagagalit ako. Kuha ka ng Taekwondo, kuha ka ng gold, kuha ka ng… sabi ko napapagod din ‘yong anak mo. It’s weekend, let him enjoy weekend.
“Sabi niya… no he has to go sa golf, and then later punta siya sa karate, sa judo niya. And then mamaya sa football. My God! Nag-aaway kami ro’n. But not anymore. ‘Coz Ryan is old enough, he’s eighteen… he’s deciding for himself already.”
Nausisa rin si Vilma tungkol sa sexlife nilang mag-asawa sa ngayon.
“Not as passionate as before when we were younger. Pero hindi po pupuwedeng mawala ‘yan because that’s part of the relationship. Not as often though. But sabi ko nga po… abnormal ang buhay namin dito. That’s why we see to it na yearly, we see to it na meron po kaming vacation with family.”
Si Nora Aunor ang nag-iisang arch rival ni Vilma. At hindi pa rin humuhupa ang kanilang rivalry hanggang ngayon.
“Mas mature na ‘yong rivalry namin ngayon. Mas professional na. Noon, magkagalit po kami talaga. At ‘yong mga fans namin, nagbabatuhan ng silya at ng basag ng bote.
“There was one time nga, premiere night ng pelikula naming dalawa, ‘yon isang fan niya, tinusok ako ng pardible. Tapos naging magkumare kami dahil kay Kiko. ‘Yong isa sa mga ampon niya. I think we became close when the father (of Nora) died. Na dumalaw ako,” pagbabalik-tanaw pa ni Vilma.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan