Gov. Vilma Santos, ipinaliwanag ang pag-isnab diumano sa show ni Manny Pacquiao

BLIND ITEM: For purposes of misleading our subject’s identity ay hindi namin babanggitin ang kanyang kasarian.

Malapit nang buminggo ang TV personality  (TVP) na ito sa isang may mataas na puwesto sa programang kinabibilangan niya, sagad na rin kasi ang pasensiya ng huli sa work attitude ng bida sa kuwentong ito. Kung tutuusin, hindi na bago ang istorya tungkol sa quirks ng TVP, “isinuka” rin kasi siya ng kanyang pinanggalingang istasyon dahil sa kanyang maangas na ugali.

Ang nakapagtataka, this TVP had long travelled to a network na kumupkop sa kanya, and yet for several years now ay bitbit pa rin niya ang kanyang bagaheng punumpuno ng asal na ‘di kagandahan, yes, much to the dismay and disgust of his/her co-workers.

Based on numbers, however, walang kakampi ang TVP from amongst the staff. Hindi nakapagtataka kung isa sa mga weekend na ito ay hindi na mapapanood ang TVP, as sanctions against his/her unprofessional behaviour are in place which he/she so rightfully deserves.

Clue? Ayaw ni Bella Flores ng ganyan!

KNOWN FOR her sobriety, although through text ay mahinahong ipinaliwanag ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto kung bakit nag-beg off siyang mag-co-host sa Saturday show ni Manny Pacquiao last Saturday sa kanyang mismong balwarte, in Lipa City, Batangas.

Naiulat kasi sa isang tabloid (not in Pinoy Parazzi) na tinanggihan niya si Pacman, lumalabas pang tila may “sumbat factor” pa kay Ate Vi na natulungan ng Pambansang Kamao who once graced an important occasion in Batangas kung saan nagbigay rin ito ng donasyon para sa mga proyekto ng gobernadora.

In her text message to colleague Jimi Escala, Ate Vi’s reason for politely declining the co-hosting job had something to do with her work-laden calendar. Masuwerte na ngang naisi-singit pa ng aktres-pulitiko sa kanyang ngaragang iskedyul ang pagsu-shooting ng pelikulang The Healing under Star Cinema tuwing Huwebes at Sabado, and Manny’s live show falls on a Saturday.

But most of all, inihi-hingi rin ng pang-unawa ni Ate Vi ang katotohanang umeere sa iisang time slot ang programa ni Manny at ang Kapamilya, Deal Or No Deal hosted by her son Luis Manzano. Hawa naman si-guro kung tatanggapin ni Ate Vi ang mag-host ng programang katapat ng kay Luis, ‘di ba? Gamitin bang pambala ang ina laban sa anak?

At any rate, Ate Vi — eternally grateful to Pacman dahil sa napakalaking tulong na naibigay nito sa mga Batangueño — is not closing her doors on co-hosting with Manny in a future episode. “Manny Pacquiao is a friend,” says Ate Vi of the boxing champ from General Santos City.

Ala, eh… wala na sanang intriga! After all, pareho naman silang “Santos”.

FACE TO Face takes you this Friday to another episode taped all the way in Bicol. Saksihan ang bangayan sa pagitan nina  Cristy at Ariel na iisang lalake ang pinag-aawayan. Pinamagatang Babaeng Pakawala, Inagawan Na Nga Ng Dyowa, Kinuyog Pa Ng Mga Katropa!, may gana pang tawagin ng beking si Ariel na “paka” si Cristy na inagawan na nga niya ng boypreng si Lanlan.

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSey raw ni DJ Mo Twister Rhian Ramos, sex lang ang habol!
Next articleVictor Basa at Divine Lee, Nagli-Live In Na!

No posts to display