CONGRATS MUNA kay Ate Vi, dahil Graded A by the Cinema Evaluation Board ang kanyang first indie film na Ekstra na showing na today sa napakaraming sinehan.
Actually, andami nang nag-aabang nito, dahil nga ibang-iba ang Star for All Seasons dito. Deglamourized talaga siya rito, dahil nga isa siyang dakilang ekstra.
“Gusto ko talagang gumawa ng indie. Kaya nu’ng ipinasa sa akin ang script, nagustuhan ko agad. Hindi rin pinag-uusapan ang bayad dito, ha? I really love the project.”
Saka sabi ni Ate Vi, gusto niyang maranasan ang nararanasan ng mga extra o talents para mas maintindihan sila ng mga artista at ng mga production people.
Kaya nga ito’y nire-recommend namin sa mga production people at mga artista na panoorin para alam nila kung paano ang tamang pagtrato sa mga talents.
MERON NAMAN kaming kilalang isang sikat na artista na wala na ngang pakialam sa mga talents, wala ring pakialam sa mga production people. ‘Pag may kailangan ang prod people sa kanya, hindi puwedeng dumiretso sa kanya.
Sa road manager o sa handler ipadaraan ang concern. Saka pinaghihintay ang mga tao sa set, dahil nagyoyosi pa kasi siya. Laging tatandaan ng mga artista: hindi porke sikat ka eh, tama lahat ang diskarte mo sa buhay.
Kaya ka naman nasa itaas ay dahil din sa production people at sa mga umeekstra sa paligid mo. Kaya sabi nga ng isang beterano na sa showbiz, “They just come and go.”
Oh My G!
by Ogie Diaz