OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo, kaya don’t make your Monday a blue Monday. Umpisahan na ang chikka!
Last Saturday, madaling-araw, ngarag na ngarag ang beauty ko dahil excited ako sa pagkikita namin ni Gov. Vilma Santos-Recto sa Batangas, dahil sa pag-imbita sa amin sa fluvial parade sa San Nicolas. Kaloka, as in, hindi ako mapakali, kasi hindi ko matawagan si Jimi Escala, ang aming coordinator at pinagkakatiwalaan ni Ate Vi para sa press. Kaya tinawagan ko si Morly Alinio kung tuloy o hindi. Sabi niya sa akin, naguguluhan daw siya kay Jimi Escala, kasi pabagu-bago ang statement.
Anyway, around 3 am, naghanda na ako. Sabi ko kay Morly, sa kanya na lang ako sasama. Sayang naman ang pag-hahanda ko para sa occasion na ‘yun. Pumayag naman siya, at nagkita na lang kami sa may Nagtahan. Mga 4 am, go na kami sa Batangas. Sad to say, pagdating namin du’n, nakaalis na ang bangkang sinasakyan ng mga sumama sa fluvial procession.
Sayang talaga, pero ang saya-saya, napakaraming tao. Nagkulay rosas ang Lawa ng Taal sa dami ng sumama. Lahat halos ng mga bayan sa Batangas, may representative, at kasama nga sa bangka si Gov. Vi na dapat ay doon kami sasakay.
Almost 3 hours kaming naghintay na bumalik ang bangka. Over may dead body, sobrang init sa court na kinaroroonan namin sa dami ng tao, kaya nahilo ang lola n’yo. At pagdating ng mga kasama sa fluvial, lalong dumami ang tao, lalo na nang dumating ang bangka ni Gov. Vi, na ayon sa balita ni Jimi, kasama si Mother Lily.
Kaloka, as in, kasi iniwan kami ni Jimi at nauna nang umuwi. Para tuloy kaming mga basang sisiw. Gusto kong lapitan si Vilma, kaya lang sobrang dami ng tao. Hindi na ako makalapit. Ayon, muntik na akong sumpungin ng hika. Kaya ang ginawa namin, isa-isa kaming lumabas para maghanap ng malamig na lugar, dahil sobrang init at napunta kami sa palengke.
Buti dumating ang sasakyan namin ni Morly, at doon na lang ako naghintay sa kanila, dahil dapat ma-interview niya si Gov. Vi para sa TV5 at sa DZRH program. Pagbalik ni Morly, sabi niya, hinanap daw ako ni Vilma, at nakapanghihinayang talaga kasi hindi man lang kami nakapag-usap, at nakapagpa-picture para mapalitan ko na ang profile pic ko sa FB.
Anyway, marami pa namang pagkakataon na magkikita kami ni Gov. Vi. Kaya sa mga Vilmanian na nagtatanong, like Willie Fernandez at Doc Ronnie, sorry, hindi ako pinalad na magkita kami. Hindi naman ako nagsisisi, kasi at least, naka-attend ako ng fluvial parade sa San Nicolas, at birthday pa ni Mama Mary. After all, balik-Manila na kami ni Morly, at ang ibang press, hindi ko alam kung paano nakauwi.
‘Yan ang nangyari sa amin last Saturday. Kasi nagtatanong sa akin ang mga Vilmanian kung nagkita kami ng kanilang idolo at iniidolo ko na rin ngayon.
SPEAKING OF Batangas, usap-usapan doon sa nasabing affair, kasi hinanap ko si Christopher de Leon. Halos lahat kasi ng mayor, vice mayor, vice-governor at bokal ay present sa fluvial parade dahil first time ‘yun na ginawang event sa Lawa ng taal. Balita na bising-busy raw ngayon si Boyet at decided na ring tumakbong congressman ng Batangas. Minsan na rin siyang umupo bilang provincial board member.
At chikka nga na alam na rin ni Gov. Vilma Santos-Recto ang balak ni Boyet. Remember na natalo na siya ng kasalukuyang Vice-Gov. Mark Leviste. Isa pa, magkaparehas sila ni Gov. Vi ng team, ang Liberal Party.
Tanong nga ng marami: ano kaya, magiging successful din kaya si Boyet tulad ni Gov. Vi? Kasi, sabi ko nga, minsan din naman siyang tinalo ni Vice-Gov. Mark Leviste sa nakaraang eleksyon. Kaloka, ‘di ba?
Si Aga Muhlach, gano’n din, tatakbong congressman sa Bicol, at si Cesar Montano naman, bilang vice-mayor ng Manila na makatutunggali si Vice-Mayor Isko Moreno. Tapos sa Bulacan, balitang maglalaban din si Philip Salvador at ang kasalukuyang Vice-Gov. Daniel Fernando. At dito naman sa Quezon City, makakasagupa naman daw ni Bistek si Kuya Germs.
Kaloka, as in, mabubuwang ako sa Earth. Labanan na ito ng mga artista, hindi na pulitiko. As in grabeeee na ito! Let’s wait and see kung sino ang papalarin sa kanila. ‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding