Grace Ibuna, ayaw humingi ng tulong kay Gabby Concepcion; baka raw tagain sa presyo

Grace Ibunan
Grace Ibunan

Matagal nang naglilingkod si Grace Ibuna. Hindi lang maingay ang mga pampublikong gawain niya lalo pa’t hindi naman siya ang tipo ng lingkod bayan na kailangang nasa spotlight para mapag-usapan ang kanyang gawain.

Kaya nga ang kuwento at testimonya ni Tito Rene Villanueva ng Guiguinto, Bulacan ay sapat na patunay na may ginagawa si Grace bago pa man siya nag-decide na lumahok sa darating na eleksyon sa May 9 para mailuklok ang partylist na MELCHORA.

Matagal na siya ngnagse-serve sa mga kababaihan na hindi lang talaga naibabalita at naisusulat kuwento ni Tito Rene na media handler ng isang incumbent mayor sa Bulacan.

Sa mga hindi kilala si Grace, bigla na lang lumitaw ang pangalan niya nang namatay si Congresman Iggy Arroyo na “love of her life”. Pero sa pagkakataong ito, isa lang ang mithiin niya kung bakit nais niyang ilaban ang MELCHORA sa darating na eleksyon, para magkaroon ng boses ang kababaihan, ang mga ina, ang mga ate para sa isang disenteng buhay sa gitna ng kahirapan at kaguluhan.

In short, hindi mo man sila nakikita sa mga protesta sa kalsada at pagiging moderate ng grupo nila, ayos na kay Grace ang mga karanasan ng grupo nila sa mga gawain para sa kapakanan ng kababaihan at  pangkalahatan.

Si Grace Ibuna ay ina ng showbiz singer-actress na si Garie Concepcion na anak niya sa aktor na si Gabby Concepcion.

Nang tanungin namin siya kung bakit hindi siya humingi ng tulong kay Gabby Concepcion para suportahan siya, sabi lang ni Grace, “Okey na ako. Baka i-overpriced pa niya ako,” biro niya tungkol sa aktor na knowing Gabby, isa siya sa mga artista sa showbiz na mahirap lambingan bukod pa sa pagiging kuripot.

“Biro lang ‘yun, ha? Edit n’yo please at magagalit ‘yun sa akin. Pero alam ko, matatawa lang ‘yun,” biglang depensa ni Grace.

Sa katunayan, happy si Grace sa kaganapan last Friday kung saan ini-launch ang partylist na kung sakaling magkaroon ng puwesto sa darating na eleksyon, siya ang first candidate ng grupo, dahil ang panganay na anak na si Garie ang nag-handle ng event kasama ang mga partners nito na abala sa konsepto ng pagtitipon na halos “pink” ang nakikita namin sa paligid . From the table cloth, flower arrangements, juice na ininum namin at maging ang press kit at little loot bag na kulay pink din.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleZeus Collins, dinaig ang ibang kapanabayan sa “PBB 737”
Next articleCristine Reyes, nag-iba na ang ugali mula nang magkaasawa’t magkaanak

No posts to display