NAKAKATUWA NAMAN at game na game na nakipag-usap si Grace Lee sa mga media na um-attend sa event ng Coke noong Martes. Masaya niyang ibinalita na nasa planning stage na ang new radio show niya tungkol sa kababaihan. Gusto raw talaga niya ang women empowerment na topic kaya ito raw ang binubuo ni-lang konsepto para sa show.
Nang matanong tungkol sa kani-lang estado ng Presidente, umiwas na si Grace na sumagot. Aniya, everything about the president, ay hindi na siya puwedeng magsalita or mag-comment man lang.
MULING NAGBALIK-PILIPINAS si G. Toengi after ng short stint niya sa pinaka-engrandeng mini-serye ng TV5 na Nandito Ako upang gawin ang isang documentary na ‘Basco Balikbayan’ katuwang ang kaibigang si Mike Carandang.
Ang nasabing documentary ay sesentro sa pagtuklas ng magkakapatid na ‘Basco’ sa kanilang inang bayan, ang paglibot nila sa Pilipinas upang makita ang ipinagmamalaking magagandang tanawin ng ating bansa.
Excited si G. sa nasabing proyekto dahil magagamit na raw niya talaga ang kanyang mga natutunan sa pag-aaral niya sa UCLA.
Kasama na rin ni G. ang kanyang buong pamilya rito sa bansa at for good na raw ang kanilang pagtira rito.
Ang magkakapatid na Basco ay mga Filipino-Americans na lumalabas sa mga Hollywood films at mga TV series sa America.
MGA BIGATING singers at Pinoy performers naman ang magsasama-sama sa darating na March 29 para sa ‘Mad About Music’ na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum. Ang nasabing concert ay pinamumunuan ng Ateneo Law Batch ‘88. Kabilang sa mga magpi-perform ay sina Basil Valdez, Kuh Ledesma, Pops Fernandez, Billy Crawford, Nikki Gil, Geneva Cruz, Jeffrey Hidalgo, Kris Lawrence, Isabella Gonzales, Rage Band, Spirit of ‘67.
Kasama rin ang kontrobersiyal na si Grace Lee sa nasabing event bilang host. Ang beneficiary ng concert ay ang Waterhope Foundation.
ALL SET na ang pagsisimula ng Game N’ Go, ang pinakabagong game show ng TV5 na magsisimula na bukas, Sabado March 17, 11:30 ng umaga live mula sa newly renovated Delta Theater. At ayon pa sa panayam namin sa Entertainment and Creative Head ng istasyon na si Sir Perci Intalan, isang malaking proyekto ang nasabing game show ng Kapatid Network na pinaghahandaan talaga lalung-lalo na at ito ang magiging kauna-unahang noontime show ng istasyon.
Nakausap namin si Sir Perci sa isa sa mga rehearsals ng show sa may Delta Theater habang patuloy ang finishing touches ng mga karpintero sa pinabonggang studio na naging ta-hanan din noon ng ‘Sang Linggo nAPO sila’.
Paliwanag ni Sir Perci, “Ang Game N’ Go, is a creative game show na pinagsama-sama natin, para siyang win all you can, play all you can. Sunud-sunod na mga games, na parang ‘yung mga napapanood mo sa gabi, ngayon ay mapapanood mo sa daytime. At ang maganda, kaya nga ang mga hosts na pinili natin ay puro mga game masters.”
Magsisilbing hosts ng programa sina Edu Manzano, Arnell Ignacio, Gelli de Belen, Tuesday Vargas, Pretty Trizha at ang former Wil Time Bigtime co-host na si Councilor Shalani Soledad-Romulo.
Patuloy pang kuwento ng TV5 executive, “Si Edu, si Gelli, si Arnell, may mga game shows sila before. Sila mismo will conduct their own games, para ma-feel mo talaga na parang back to back game shows, all in one show.”
Sa mga panayam noon, inamin ng ilan sa mga co-hosts ng show na ilulun-sad ang Game N’ Go para magpasaya at hindi upang makipag-kumpetensiya sa mga kasabayang noontime shows partikular na sa institusyon nang matatawag, ang Eat Bulaga.
Paliwanag ni Mr. Intalan, “We are not here to compete but to give an alternative show. ‘Yun nga, alam namin at nanghingi tayo ng blessing sa kapatid nating si Bossing Vic Sotto, sa kapatid nating si Joey de Leon.”
“They appreciate naman na nagkausap muna bago nilunsad ito. ‘Yung timeslot niya inilihis, 11:30 (ng umaga) and intentional rin na hindi pareho ng elements ng Eat Bulaga.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato