Sa kabila ng tsikang may mga kabataang artista ang umiiskor at nalululong sa droga, namataan pa rin ang ilan nating Bidang Artista na Kontra-Droga sa katatapos na Grand Bida March – ang kauna-unahan at pinakamalaking anti-illegal drugs march sa buong mundo na ginanap sa kahabaan ng Roxas Boulevard.
Sa gitna ng libo-libong kabataang pumarada na nag-set ng record sa Guinness Book of Records, stand-out ang mga artistang hindi nagkait ng kanilang oras na dumalo sa event para lang maiparating sa mga kabataang umiidolo sa kanila na walang mabuting maidudulot sa buhay nila ang droga.
Tama lang naman kasi na maging aware ang mga artista, lalo na ‘yung mga young actors and actresses natin, sa mahalagang papel na ginagampanan nila sa buhay ng bawat taong nakakapanood sa kanila. Bukod kasi sa pagpapasaya, sinusubaybayan at nakatutok rin ang mga tao sa kung paano ang paraan ng kanilang pamumuhay.
Kaya kung sa maling landas sila matutungo, aba, eh, anong klaseng ehemplo naman sila ano?! Kaya bago pa man bumagsak sa kamay ng PDEA ang mga pinaghihinalaang users at addict sa industriya, aba, bago-bago na!
Photos by Mark Atienza
by Mayin delos Santos