MAAYOS, PERO MAHIGPIT ang three-point directive ng kaibigang Jobert Sucaldito before he formally began the presscon of ABS-CBN’s Magkaribal, dubbed as the first of its kind fashion-serye on Philippine TV.
Una, dapat lang sumentro ang mga tanong ng press tungkol sa nasabing palabas to premiere on June 28. Ikalawa, bawal mag-usisa tungkol sa personalidad na wala naman sa okasyong ‘yon as they could hardly defend themselves if they were put in a bad light. At ikatlo and most importantly, hindi puwedeng pag-usapan ang tungkol sa mga non-Kapamilya stars.
Una kong naisip na may “pakana” ng ganu’ng direktiba ay ang isa sa mga bida ritong si Gretchen Barretto who obviously would not want to be squeezed about her younger sis Claudine, na nagkataon pang Kapuso star. Okay lang sigurong ikunek si Gretchen kay Angelica Panganiban, na may kunek naman kay Derek Ramsay who’s also in the cast. But for an interview to meander even alightly on Claudine, isang malaking no-no ‘yon sa presscon.
Pero may ibang paksa kaming pinag-uusapan sa mesa led by Tita Ethel Ramos. Tinanong niya kasi kami if we stumbled upon the news item about Gretchen’s live-in partner Tony Boy Cojuanco who donated a whopping P100 million in support of President-elect Noynoy Aquino’s candidacy.
Kaya ang tanong tuloy ni Tita Ethel during the open forum ay: if Gretchen had the same amount, to whom would she donate it? “I would donate it to the PMPC (Philippine Movie Press Club).” Oo nga naman, itinanghal na Best Actress si Gretchen sa Star Awards for TV noong 2009. But realizing na meron pang isang grupo ng manunulat (EnPress), bumawi ang aktres: “I would donate it to the showbiz press.”
At ‘yun ang aabangan namin. May isang salita naman yata si Gretchen. ‘Di ba, Bettina Aspillaga?
BLIND ITEM: MATIKAS at desirable pa rin ang balladeer na ito even if nasa mid-fifties na siya. Halatang alaga pa rin niya ang kanyang pangangatawan, na dapat lang naman para magmukha pa rin siyang kanasa-nasa sa paningin ng kanyang lady record producer-lover.
Pero hindi gaanong aktibo sa local music scene ang magaling na mang-aawit, mas mabenta kasi siya sa Amerika. Even then, nananatiling most requested songs pa rin ang kanyang mga pinasikat noong dekado otsenta even in honky-tonk sing-along bars.
Kadalasan nga, naririndi na kami sa mga kumakanta ng kanyang signature song na Ingles, na ang pamagat ay binubuo ng anim na salita. Let’s See If You Can Guess…. Siyempre, hindi ito ang title, ‘no!
THE POPULAR BELIEF is that ang lahat ay puwede mong gawin sa ngalan ng survival. Take the case of Kardo, a street cigarette hawker o mas kilala natin bilang takatak boy who finds himself in a life-changing situation.
Upang kumita ng mas malaking pera, pinasok niya ang pakikipagbasagan ng mukha in an underground extreme bout, hence his alias Kardong Kamao. Ito ang karakter na bibigyang-buhay ni JC de Vera in his second of five drama specials on TV5 this Wednesday, 8:30 P.M. Directed by Robert Quebral, tampok din sina Alyana Asistio, Sylvia Sanchez at Danita Paner. Watch out for Kardong Kamao.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III