YESTERDAY, SUNDAY morning ay lumipad ulit papunta London si Gretchen Barretto. Birthday daw ng unica hija nila ni Tony Boy Cojuangco na si Domique.
Pero the night before her flight, dumalo pa siya sa Gawad Pasado na ginanap sa auditorium ng san Sebastian College noong Sabado, April 11. Pinarangalan siya roon bilang Pinaka-Pasadong Katuwang Na Aktress o best supporting actress para sa mahusay niyang pagganap sa The Trial, kung saan nanalo ring Pinaka-Pasadong Katuwang na Aktor si Richard Gomez, at Pinaka-Pasadong Aktor naman si John Lloy Cruz.
“It’s my first time for Gawad Pasado. But this is my third for The Trial,” sabi ni Gretchen. “So maraming salamat sa Star Cinema at sa Gawad Pasado. At saka sa Panginoon, maraming salamat.”
Ano ang feeling niya na triple tie sila nina Iza Calzado (Starting Over Again) at Lotlot de Leon (Kubot: The Aswang Chronicles) para sa kategoryang Pinaka-Pasadong katuwang Na Aktres?
“A… well, I watch the movie of Iza. And I watched the one of Lotlot. Everybody is good. And okay. Wala lang. Ano ang sasabihin ko?” tawa niya. “I take the trophy. We all take the trophy.”
Masasabi bang totally complete na ang buhay niya? She has wealth, fame, and awards… everything?
“Oo nga, ‘no?” pagsang-ayon ni Gretchen bago muling natawa. “Well nagpapasalamat ako sa lahat ng mga biyayang ibinibigay ng Diyos. It took a while bago ko makamtam itong kinaroroonan ko… whatever you call it kung saan ako ngayon. So, a lot of hardwork, a lot of pain. Hindi naman nangyari ito na bigla na lang. Pinaghihirapan natin ito kung saan tayo. At ipinagdarasal. So, good! Everything is all good.”
May mga bagong projects na ba siyang naka-line up na gagawin?
“Well we don’t know. I’m gonna wait for whatever ABS-CBN gives me, or Star Cinema. And I’ll wait on that. Ako naman, I enjoy whether I work or I’m not working. I just thank God for everyday. After many… maraming nangyari na after Liezl Martinez passed away, I realized a lot of things. And I guess right now ang pinaka-importante is I have my Tony (Boy Cojuangco, her partner) and I have Dominique (her daughter). I have my career. And I enjoy everything and everyone around me,” panghuling nasabi ni Gretchen.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan