INISNAB NINA Bea Alonzo, Cong. Lucy Torres-Gomez at Gretchen Barretto ang taunang Walk of Fame Philippines na siyang counterpart ng Walk of Fame Hollywood ng USA na ginanap last Dec. 1 sa Eastwood. Kaya naman nalungkot ang Master Showman himself Kuya German Moreno.
Nabalitaan namin na um-attend ng binyag si Lucy, habang hindi naman pinayagan ng ABS-CBN si Gretchen Barretto na may taping nang araw na iyon, at si Bea Alonzo naman na pagkatapos na pagkatapos na nagsabing a-attend ay bigla na lang nagkaroon daw ng show sa abroad.
Nakalulungkot isipin na ang mga kapwa-artista ni Kuya Germs ang hindi nagbibigay-importansiya sa effort ng Master Showman na mabigyan ng sariling star ang ating local celebrities katulad ng Hollywood stars.
Mabuti kung barya-barya lang ang ginagastos ni Kuya Germs sa Walk of Fame, ang kaso ay libu-libong salapi na galing ang karamihan sa bulsa nito ang ginagastos dito, tapos babale-walain lang ng ibang awardee nito.
Pero kung dinedma nina Lucy, Gretchen at Bea ang nasabing event, very proud naman ang iba pang artista na dumalo nang araw na iyon mula kina Pops Fernandez, Jean Garcia, Ara Mina, Alfred Vargas, ER Ejercito, Direk Carlo Caparas, Direk Al Quinn, Rio Locsin, Arnold Clavio, Lani Misalucha, Roderick Paulate, Ronaldo Valdez, atbp.
NAPAKASUWERTE NG Walang Tulugan at Party Pilipinas mainstay na si Michael Pangilinan dahil suportado siya ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa kanyang 1st solo concert entitled Michael Pangilinan: The Man Who Can Move at Zirkoh, Tomas Morato on Dec. 5 (Wednesday), at 10 p.m.
Bukod sa nag-iisang Superstar, suportado rin ito ng mga dekalidad at tinitingalang mga concert performer sa pangunguna ni Ms. Pilita Corales, Allan K at Concert King Martin Nievera at Kapuso Star Aljur Abrenica.
Suportado rin ito ng kanyang kapatid sa pa-ngangalaga ng writer cum radio/TV host na si Kuya Jobert Sucaldito na si Prima Diva Billy at ng mga kaibigang sina Joyce Yadao, teen singer Mary Joyce Pascua, Sexbombs Aira and Mia with Butch Miraflor as musical director.
Ilan sa awiting kakantahin ni Michael ang tumatak sa X Factor Philippines kung saan napabilang siya sa Top 20 na Dance With My Father, Hanggang, The Man Who Can’t Be Moved, Wonderful Tonight, atbp.
EXCITED NA ang award-winning young rapper na si DJ Joph sa back to back concert nila ng grupong UPGRADE na magaganap sa Dec. 9 sa Music Box sa Timog, QC, 8pm. Makakasama nila ang mga Kapuso star na sina Teejay Marquez , Joven Moreano at Hiro Magalona with Canadian beauty queen/ singer Gina Damaso.
Ilan daw sa aawitin nito sa nasabing konsiyerto ay mula sa kanyang self-titled album DJ Joph, medley ng pinasikat na awitin ni Philippine King of Rap Francis Magalona, atbp. Tsika pa ng naging nominado for 3rd PMPC Star Awards For Music Best New Male Recording Artist na pani-guradong sasaya ang mga manonood ng kani-lang konsiyerto dahil sa mga production number na kanilang inihanda.
Bukod sa Dec. 9 concert, nakatakda ring magkaroon ng solo concert si DJ Joph sa susunod na taon sa Bohol at Canada at isang big concert sa Manila, kung saan makakasama niya ang ilang sikat na rap artist sa bansa.
John’s Point
by John Fontanilla