AT A recent event, namataan ni Gretchen Barretto ang isang long-lost friend, also within the industry. May sampung minuto rin ang walang-puknat ni-lang kumustahan at tsikahan.
But there was one thing that distracted Gretchen’s friend all throughout their conversation.
Habang nagkukuwento raw kasi ang aktres, her friend could not help but entertain other disturbing thoughts. Kuwento nito, “Habang kausap ko siya, I hoped she was not looking at where I had my eyes fixed on. Nakatingin kasi ako sa buong mukha niya, my God, bibig na lang niya ang gumagalaw! The other parts of her face, particularly the upper ones, hardly moved.”
Hindi na bago ang tsismis na kahit gaano kaganda si Gretchen, mukhang gusto pa niyang lalong gumanda sa pamamagitan ng surgical procedure sa kanyang mukha.
“My God, what else does Gretchen want to achieve? Eh, she has one of the most beautiful faces showbiz has ever known,” komento ng kanyang kausap.
Amen.
FOR THE nth time, the face of poverty amongst then well-known showbiz personalities is staring at us.
Startalk is no public service program tulad ng kasunod nitong programang Wish Ko Lang, pero nakukuhang talakayin ng nasabing showbiz-oriented talk show ang mga paksang sangkot ang ilang mga personalidad na sumikat sa kanilang panahon, but who now find themselves down in the dumps.
Nariyan ang primera kontrabidang si Ms. Bella Flores na bunga ng pagkadulas sa kanyang mismong tahanan ay nauwi sa Alzheimer’s disease ang kanyang sinapit. Ang tinaguriang Queen of Visayan Songs na si Susan Fuentes—na umawit ng Usahay at Miss Kita Kung Christmas—ay patuloy na nakikipagbuno sa kanyang kidney problem.
The latest that Startalk made a feature on ay ang kalagayan ng dating komedyanteng si Sammy Lagmay, whose case is more severe dahil sa kanyang problema rin sa bato worsened by his total blindness.
Kung ang mga kuwentong ito’y maituturing na isang paligsahan, in the race din ang ipinalabas ng Startalk nitong Sabado tungkol sa pamosong komedyante na si Gary Lising.
Let us just qualify the seeming difference between the words “popular” and “famous”. Mas swak sa ikalawang pang-uri si Mr. Lising who rose to fame via the gag show Champoy noong dekada otsenta. Not only was Gary, now 61 years old, a funnyman, isa rin siyang manunulat having authored a number of joke books na ginawa niyang negosyo.
Pero tulad ng sinumang artista who had the taste of fame and glory, nangulimlim din ang bituin ni Gary. His life had changed when he had a heart attack, dahilan para sumailalim siya sa angioplasty.
Sumabay pa ang operasyon nang magkaroon siya ng katarata. What made matters worse ay noong ma-lugi ang kanyang negosyo.
Sa ngayon, Gary practically lives alone in a residence in Pasig City, kung saan ang pinagkukunan niya ng ipinangtutustos ay ang kanyang mga kaibigan mula sa Ateneo, his alma mater.
The ones maintaining the house are his former classmates, ang dati rin niyang kaeskuwela—now President of Meralco—ang nagbigay rin ng palugit sa kanya para unti-unti niyang mabayaran ang kanyang electric bills para hindi siya maputulan.
In one fell swoop, ang nakasanayang marangyang pakikipagngitian ni Gary sa mundo ay balot ng sima-ngot ngayon.
Sa turu-turo na lang siya malapit sa kanyang bahay na niya pinalilipas ngayon ang tawag ng kanyang kumakalam na sikmura. Bus at jeep na lang ang kanyang sinasakyan ngayon dahil nakakabutas daw ng bulsa kung magta-taxi siya sa kanyang pupuntahan. Keber daw kung may mga taong nakakakilala sa kanya, nagtatanong kung bakit ganoon ang kanyang sitwasyon at nagpa-picture pa.
But all this Gary hates so much.
Pero salungat sa mga kaso nina Tita Bella, Susan at Sammy who are all in dire need of financial help, all that Gary needs ay ang mabigyan lang ng trabaho sa showbiz. Citing his physical ableness, keri pa raw niyang kumayod para hindi na umasa sa kanyang mga kaibigan sa kolehiyo sa panahon ng pagkalugmok.
Kilalang witty jokester si Gary. Sadly, the joke is on him.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III