NATUWA KAMI dahil isang inspiring news for Gretchen Barretto ang nasagap naming tsika. Ang balita, nag-donate itong si Gtretchen sa isang simbahan sa Tarlac. Sa kuwento sa amin, balitang dinadayo na itong simbahan at marami na ang mga deboto. Kung hindi kami nagkakamali ay ang Servant of the Risen Christ Monastery.
May hiniling si Gretechen sa simbahan na ‘yon at mabilis namang naibigay sa kanya. Kung kaya naman sobra ang pagsuporta nilang mag-asawa sa simbahan. Ang tanong, napagaling kaya sa sakit si Mr. Toni Boy Cojuangco?
Ang dating maliit lang na simbahan at mahirap ang daanan ay unti-untii na raw na gumaganda ang kalsadang daraanan.
Wish ng aming kausap ay sana raw ay maraming Gretchen Barretto pa ang nabubuhay sa mundo. Ikaw ba naman ang magbigay ng P10 million daw.
FROM A very reliable source, may bagong malditang mag-ina raw ngayon sa showbiz. Ito raw ay si Louise delos Reyes at ina nito. Marami na raw ang nagrereklamong staff lalo na sa ina nito, dahil sa pagiging maangas at feeling sikat. Nandiyan pa ang pagiging pakialamera sa lahat ng bagay. Kaya naman masakit mang sabihin, isinusuka na raw sila ng kanilang mga katrabaho.
Pati nga raw press people ay galit na sa ina ni Louise. Plastikada nga raw ang ina sa fans, pagtalikod daw inutasan ang anak na mag-alcohol at mag-lotion dahil ang sabi ay marurumi ang kamay ng fans. Kalokah, ‘di ba?
May mga demand na nga raw si mother na sa next project ng kanyang anak, at may cut-off na sila na hanggang 12 midnight na lang sila. Yes, feeling superstar.
Naku, ‘pag ganyan, ma-daling malaos ang isang artistang may mga attitude. Lalo na ang pagkakaroon ng inang stage mother.
Ang ikinaloka pa ng mga nanay ng ibang young actress sa GMA-7, nakarinig sila na hindi na raw ka-level ni Louise ang kanilang mga anak. Mataas na raw ang level nito.
Ang tayog… nga naman! Sana, pa-
ngaralan ito ng Artist Center. Sayang kasi, maganda at marunong namang umarte ang young actress.
MARAMING TAGA-INDUSTRIYA ang bukas ang mga palad kapag ganitong maraming kababayan ang nasasalanta ng bagyo at baha. Kaya naman hindi rin nagpahuli ang Artista Academy scholars na magsagawa ng relief operations sa ating mga kababayan na naapektuhan ng baha.
Kahit nade-depress sila kapag nakikita nila ang sinapit ng kanilang mga pinuntahan, wala sa kanila ang pagod. Ang importante ay nakakatulong sila sa kahit na maliit na paraan.
Anyway, lalabas na sina Gelli de Belen at Lorna Tolentino sa Artista Academy bilang mga hurado.
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!