Gretchen Barretto, pinataboy sa mga bodyguard ang mga batang nagtitinda ng sampaguita sa Baclaran!

KINAGABIHAN DIN NITONG Martes, ibinalita ng Showbiz News Ngayon (SNN) ang pagpanaw ng manager na si Wyngard Tracy. He was 58.

Pagbalik sa live right after the VTR was shown ay taus-pusong nakidalamhati ang program host nitong si Boy Abunda. In describing Mr. Tracy, Kuya Boy used modifiers such as “giving” and “generous”. Such a brief testimonial reaffirmed colleague Nitz Miralles’s well-kept secret na nito lang niya ibinahagi sa amin ng kaibigang Rommel Gonzales at the presscon of My Amnesia Girl that same night.

Ayon kay Nitz, hinding-hindi raw niya makakalimutan si Wyngard na malaki ang naitulong nu’ng magkasakit at ma-confine sa isang Quezon City hospital ang kanyang older sister, then suffering from cancer of the nerves.

Through the intercession of Aster Amoyo, ang noo’y hindi naman malapit na si Nitz kay Wyngard ay sinaklolohan nito sa tulong-pinansiyal. Ang maganda pa raw sa act of charity na ‘yon ng manager two years ago ay ang mahigpit na bilin nito kay Nitz na huwag nang ipagsabi ‘yon.

True enough, it was only until Wyngard’s death that Nitz unveiled the secret. Anyway, sa mga naulila po ng tanyag na manager, ang taus-puso pong pakikiramay ng Pinoy Parazzi.

HINDI RAW MAAARING mamalik-mata ang kasama naming manghuhula sa Tweetbiz who calls himself Mr. E (If pronounced snappily, may tunog nga namang “mystery”), pero tukoy na tukoy niya ang aktres na nakasalubong niya papasok ng Baclaran Church noong Biyernes ng umaga: si Gretchen Barreto.

Pahakbang daw si Mr. E sa pintuan ng naturang simbahan ay siya namang papalabas si Gretchen clad in white dress, may tangang puting payong at ineeskortan ng kanyang mga bodyguard. Kilalang puntahan ang Redemptorist Church ng mga artista, oftentimes during unholy hours to elude public attention if not mobbing crowd.

Siyempre, nakilala si Gretchen (in broad daylight ba naman) na dinaluhong ng mga bagets peddling their sampaguita leis. At that juncture ay halos within an arm’s length lang ang layo ni Mr. E sa aktres, kung kaya’t naringgan daw niya ito nu’ng magdayalog ng: “Guard, can you please clear my way? Ayoko nang hinaharangan ako!” Gretchen’s men obliged.

Nag-flashback tuloy sa aking kamalayan ang noo’y natsismis nang pagsusungit ni Greta when she hopped inside an elevator of an imposing building in Makati City years ago. May nakasabay raw kasing sosyalerang matron ang hitad whose sight she could not stand, kung kaya’t naglinya ito sa kanyang mga bodyguard na: “Can you please get this woman out of the elevator?”

But poor Greta, hindi raw kasi ‘yon pinalampas nu’ng babae who snapped back: “Can you please get this woman out of my building?!”

Ewan kung urban legend lang ‘yon, but even if it’s a myth… it’s so very Gretchen Barretto!

TALK ABOUT MYTHS as opposed to facts, ugaliing manood ng Magic Gimik! on TV5 every Sunday with hosts Empoy and Kean Cipriano. Every magic trick has an intelligent title, ipinakikita muna ang mahikang kabilib-bilib only to reveal ang pandaraya sa likod nu’n. Bilis lang ng kamay pala ang pagma-magic, na kung kukurap ka… maiisahan ka!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleJohn Lloyd Cruz, nilimot na ang ‘hospital’ issue
Next articleBinulyawan ang umaalalay sa Star Awards Gretchen Barretto, ayaw pahawakan ni Tony Boy Cojuangco!

No posts to display