MATAPOS PATUTSADAHAN ni Gretchen Barretto ang diumano’y basher niyang hinihinala niyang ang kanyang nakababatang kapatid diumanong si Claudine, muling nagbitaw ng mga maanghang na salita si Gretchen nito lamang Sabado sa kanyang account sa Instgram.
Sa post niyang litrato kung saan kasama niya ang mga kaibigan for a ‘Saturday ramen lunch’, may follower siyang sinagot sa mahaba nitong request sa kanya at sa isa pang kapatid na si Marjorie.
Ayon pa kay @miralou, “@gretchenbarretto, I believe u that Claudine needs mental help. Im her avid fan but I think she has gone overboard…I hope u and Marjorie would take time to help ur sister heal her sickness @claubarretto. Instead of fighting with her, learn to understand and accept that she is not well. A person w a true heart can learn to forgive and help the ones who are in need even if that person in in denial of her weaknesses and imperfections. Know in ur heart that Claudine needs the help, bear w her and understand, and create the true meaning of a family.”
Kaagda din itong sinagot ni Gretchen: “@miralou, we have done everything possible to help her. She has been attacking us & our children for the help we wish to give her. I have been publicly scorned and accused of a liar for helping her. Why don’t we all just pray that she will go seek help. I guess the time has come when everyone just gave up.”
Dagdag pa niya, “She has caused too much hurt that we just have to withdraw from her and her hurtful ways. It’s called self preservation.”
Isa namang umaming sobrang umiidolo kay Claudine ang humingi sa kanya ng pag-intindi. Ayon, @kimdindoraganas, “I hope ur understand ur young sister my idol @claubarretto <3<3.”
Tugon ni Gretchen, “It’s easy for you to ask us to understand her. You have no idea the degree of hurt & harm she is causing. We can only pray. It is in the hands of God.”
From the looks of it, mukhang malalim talaga ang pinaghuhugutan ni La Greta ng galit sa kapatid. Hay, naku!
Manny at Jinkee, lilipat sa Beverly Hills kaya binebenta ang L.A. mansion
Ilang araw na ang nakararaan nang mapaulat na diumano’y parang na-bankrupt na daw ang yaman nina Congressman Manny at Vice-Governor Jinkee Pacquiao. Isa raw marahil sa pahiwatig na gipit daw sila ay ibinibenta raw kasi nila ang kanilang Los Angeles mansion.
Pero sa panayam sa mag-asawa sa 24 Oras nitong nakaraang Biyernes, mariing itinanggi ng mag-asawa ang ulat na diumano’y bangkarote na sila. Ito ay bunsod sa isang ulat mula sa isang pahayagan sa Cebu na diumano’y sinabi ng kaibigan ng Pambansang Kamao na si Rex “Wakee” Salud, isang boxing promoter na diumano’y ubos na raw ang yaman nila kaya raw hindi ito makapag-retiro sa boxing.
Sinabi ni Manny na matagal nang hindi sila nagkakausap ng kaibigan. Aniya, “Hindi kami nagkuwentuhan, hindi ko nga nakakausap ‘yun.”
Hindi naman itinanggi ni Jinkee na ibinebenta nga nila ang kanilang L.A. mansion, pero hindi daw ibig sabihin nito na wala silang pera. “’Yung neighbors namin sa LA, nagrereklamo kasi kapag nandu’n kami, sobrang maraming tao tapos maingay. Eh, kasi sa Amerika, ‘di ba ayaw naman nila ng ganu’n? Saka istorbo.”
Tugon naman ni Manny, “Naghahanap na ako ng bahay sa Beverly Hills, kasi lilipat kami… parang ‘yung may gate ang pinipili namin. Pero hindi ko ibebenta ‘yun basta hindi pa kami makabili ng bago.”
Totoo rin daw na malaki ang nagastos nila sa kampanya noong 2010 at 2013 elections. Minsan din daw personal na pera na nila ang ginagamit nila para makatulong. Pero hindi raw umabot sa puntong nasaid ang kanilang pera. Meron din daw silang mga negosyong kumikita.
Kuwento pa ni Jinkee, “‘Yung mga nasalanta nga ng bagyo sa Saranggani, sarili naming pera ang ibinigay namin du’n. Kasi nga ‘pag sa government, matagal masyado, pina-process.”
Hindi na rin daw sila magpapa-apekto sa isyu. Ayon pa kay Pacman, “Ah, hindi maka-distract sa akin ‘yan. Huwag lang akong saktan, tsaka ‘yung pamilya ko.”
Saad naman ni Jinkee, “Don’t put somebody down na ‘yung parang magkaroon lang ng ano, na masiraan’ yung ibang tao, kasi mali ‘yun eh. At saka hindi maganda, dapat magmahalan tayo, love one another. Siguro mas pangit ‘yung ibabalita na na-bankrupt ang tao pero nagnakaw, mga nagnanakaw. Bakit? Pagtuunan nila ng pansin ‘pag may mga ganu’n lang?”
Sure na ‘to
By Arniel Serato